MAINIT ang ulo ni Troy habang nagmamaneho,pero mas matindi ang init ng katawan na kanyang nararamdaman.He was so disgusted with what happened inside his office a while ago.Nagi- guilty tuloy siya ngayon.
Mahal na mahal niya si Kaliana,he was very sure of that,at sobrang saya niya dahil sa wakas ay binigyan na siya nito ng chance para patunayan ang pagmamahal niya rito.
Pero kanina lamang ay muntik na siyang makagawa ng isang bagay na ikasisira ng relasyon nilang nagsisimula pa lamang.What was he thingking?!Nagtagis ang bagang niya nang maalala ang unexpected visitor niya kanina.
Hindi pa rin talaga siya nito tininitigilan.Pero kung may nararamdaman man siya para sa taong iyon ay walang iba kundi awa.Yes,that's all he felt for her.Dahil ang puso niya ay pagmamay- ari na ng kanyang nobya.
Pagdating niya sa bahay ng mga Morales ay agad siyang ipinagbukas ng gate ni Mang Dante.Mukhang kanina pa ito roon at inaabangan talaga siya.
Natanaw niya si Kali na palabas ng pinto para salubungin siya.Medyo nanigas siya sa kinatatayuan,at napalunok.Hindi lang dahil naalala niya ang nangyari sa opisina kanina kundi dahil sa suot ng nobya.
Sanay na siya sa mga outfit nito noon pero hanggang maaari ay iniwasan niyang makaramdam ng kakaiba.Ayaw niyang mailang ito sa kanya kaya abot abot ang naging pagpipigil niya.
Pero iba na kasi ang sitwasyon ngayon.Alam niyang may karapatan na siya sa dalaga at hindi na niya kailangang itago ang mga totoong emosyon niya.Ang totoo,hindi pa humuhupa ang init na nararamdaman niya mula pa kanina,at lalo lamang sumidhi iyon ngayong naaamoy niya ang nobya habang palapit sa kanya.Alam niyang yayakapin siya nito kaya mabilis siyang umiwas.Damn!
Hindi niya napigilang magmura ng mahina nang mabasa ang pagtataka at pagkadismaya sa mukha ng dalaga.Wala siyang choice.Kailangan niyang gawin iyon dahil kapag hinayaan niyang magdikit ang mga balat nila ay baka kung ano pa ang magawa niya rito.Nasa garahe pa mandin sila at naroon lang sa loob ang ate nito at si yaya.
Binuksan niya ang pinto ng kotse at may kinuha mula sa loob.Nakamasid lang sa kanya si Kali,mabuti na lamang at naiwan sa opisina niya ang isa pang pasalubong niya rito kaya mayroon siyang magagamit na alibi.
Nang medyo kalmado na siya pati na ang katawan niya ay nakangiting nilapitan niya ang nobya at hinalikan sa noo.Nagtaka siya nang bigla itong humalakhak.
Nakakunot- noong tiningnan niya si Kali.Tinaasan naman siya nito ng kilay."Bakit para kang nakakita ng multo,babe?Hindi mo ba ako na- missed,hmmm?"
Nanlamig si Troy sa naging tanong ng nobya.Inaasahan siguro nitong sa labi niya hahalikan pero sa halip ay sa noo niya lang ito hinagkan.Wala na kasi siyang tiwala sa kanyang sarili.
"Babe,may nakalimutan pala akong ibigay sayo kahapon.",iniba niya ang usapan habang iniaabot rito ang dala niya.Sinilip nito ang laman niyon at lumiwanag ang mukha.
"Wow!My favorite kisses!Thank you so much,babe!",bago pa siya nakaiwas ay mabilis na nahalikan na siya nito sa labi.Dahil doon,gumapang ang init sa buong katawan niya.
Walang kamalay- malay ang nobya sa nangyayari sa kanya.Pero napangiti siya nang makita ang reaksyon nito.Napakasimpleng babae pa rin talaga nito sa kabila ng mga pagbabagong pilit nitong ginawa sa sarili.
Ito pa rin ang babaeng nakilala niya- simple at humble.Hindi na siya nag-abalang ibili ito ng ibang klase ng tsokolate dahil hindi rin naman nito magugustuhan.Kisses lang ang paborito nito sa lahat.
"Ang dami nito,babe,pinakyaw mo na yata lahat ng chocolates sa Malaysia.Baka naman sumakit na ang ngipin namin ni yaya..",biro nito pero nakangiti.Pero napansin niyang ang mga ngiting iyon ay hindi umabot sa mga mata nito.Parang may kumislap na lungkot doon.
BINABASA MO ANG
You're Still My Man(Completed)
RomancePagkatapos ng mahabang panahon na magkalayo si Kali at ang ate niya,she made a promise to herself na babawi siya rito sa kanilang muling pagsasama. Pero hindi niya inasahan na sa pagbabalik ni Seana ay muling magbabalik din ang alaala ng nakaraan. N...