FRIDAY ng hapon,naglalakad na pauwi sina Kali at Trish.Kasabay nila si Tyler.May praktis pa dapat ito kasama ang team pero usapan nito at ni Trish na kapag weekend ay sasabay sa kanila.
Nauna ang dalawa at hinayaan niya makapag- bonding ang mga ito.Mabait si Tyler kaya kasundo niya rin ito kahit ito lang talaga at si Trish ang magkababata.
Half- American ito kaya gwapo rin at tisoy.Katulad nila ni Trish ay may sinasabi din sa buhay ang pamilya nito pero kagandahan dito ay hindi rin ito mayabang.
Hindi niya maintindihan ang dalawa kung bakit hanggang ngayon ay walang umaamin sa mga ito.Alam niyang may pagtingin pareho sa isa't - isa sina Trish at Tyler.
Napakunot- noo si Kali dahil parang may tumatawag sa pangalan niya.It was almost a whisper pero sapat na para marinig niya.Awtomatikong napahinto siya sa paglalakad at napalingon.
Muntik siyang mapasigaw ng bumangga siya sa malaking bulto ng katawan.Akala niya ay matutumba rin siya dahil nawalan siya ng balanse pero naagapan siya ng makisig na lalaki na ngayon ay nasa harap niya.
Napalingon din sina Trish at Tyler nang hindi siya maramdaman ng mga ito.Medyo malayo na kasi ang agwat ng dalawa sa dalaga.
A sweet smile was formed on Trish's lips upon seeing the scene.Tyler decided to broke the silence.
"Hello sir Xander."
Palihim na kinurot ni Trish si Kali nang makalapit ito sa kanya dahilan para siya ay mapaigtad.Nahihiyang binitawan ni Xander ang pagkakaalalay sa dalaga."Sorry guys,alam ko pauwi na kayo but can I borrow Kaliana for a while?",si Xander.
"Parang nanghihiram lang ng libro sir ah,"si Trish ulit.
Namula naman sa pagkapahiya ang binata at napagtanto ang kanyang kapangahasan.Pero agad ding ngumiti ng matamis ang makulit niyang estudyante."Just kidding sir," kinindatan pa ni Trish ang propesor.Ikinasimangot iyon ni Tyler.
"Oo nga pala beb,nakalimutan kong sabihin sayo na may lakad nga pala kami ngayon ni Ty.Kailangan na namin umalis.."
Medyo nabigla si Tyler nang bigla itong akbayan at hilahin ni Trish pero agad din itong nakabawi.
"Yeah Kali,sorry but we really have to go.Magde- date kami ngayon nitong kaibigan mong luka- luka.",sang- ayon ni Tyler.
Pinanlakihan ni Kali ng mata ang dalawa.Alam niyang pinagkakaisahan siya ng mga ito.
Abot- tenga ang ngiti ni Trish at hindi man lang naalarma sa warning look na ibinigay niya sa mga ito.
"Manonood kami ng sine beb.Nagmamaktol na itong panget na to at matagal na naming plano pero di matuloy- tuloy."
Gustong magprotesta ng dalaga pero magmumukha naman siyang bata na takot iwanan ng ina.Kahit ang totoo eh sobrang ninenerbiyos talaga siya na maiwan mag- isa kasama ang propesor nila.
"Pa'no sir,kayo na po ang bahala kay Kali.."Nakangiti si Tyler kay Xander.Ngumiti din ang binata sa mga kaibigan niya.
"May sundo po iyan sir pero tatawagan ko na lang si Mang Dante na wag ka na lang sunduin beb.Sir,okay lang ba kung ihatid mo ang bestfriend ko pagkatapos nyo mag- moment este mag- usap."
Makakatikim na talaga itong si Trish sa kanya,usal ni Kali sa isip.Hindi siya makaporma dahil naiilang siya kay Xander at alam yun ng kaibigan niya kaya sinasamantala nito lalo ang sitwasyon.
BINABASA MO ANG
You're Still My Man(Completed)
RomancePagkatapos ng mahabang panahon na magkalayo si Kali at ang ate niya,she made a promise to herself na babawi siya rito sa kanilang muling pagsasama. Pero hindi niya inasahan na sa pagbabalik ni Seana ay muling magbabalik din ang alaala ng nakaraan. N...