Chapter Five

108 5 0
                                    

MAAGANG NAGISING si Kali kinabukasan.She really had a good sleep last night. She smiled upon remembering Xander's call kahit medyo palaisipan pa rin talaga sa kanya ang huling sinabi nito.
 
  Wala naman doon si Trish para tuksuhin siya kaya pinakawalan niya ang kilig na nadarama.Narealize niya mahirap palang itago ang ganoong damdamin.Lalo na at mahilig magpakilig ang binatang propesor. 

  Bakit ba ganoon ang nararamdaman niya?Umiibig na ba siya sa binata?Pero hindi niya pa ito lubos na kilala.At isa pa bawal ang romantic affair sa pagitan ng guro at estudyante nito.At lalo siyang natigilan nang maalala ang kasunduan nilang magkapatid.No Bf Policy hanggang dipa siya nakakatapos ng pag- aaral at nagkakaroon ng stable na trabaho.

  Pilit niyang itinaboy ang mga isipin at tila sumasakit ang ulo niya.Simpleng t- shirt lamang ang isinuot niya.V- neck iyon na kulay puti at tinernuhan nya ng faded maong shorts.Hindi gaanong maikli ang shorts niya pero litaw na litaw ang bilugan at makinis niyang hita at binti.Maganda ang hubog ng katawan ni Kali sa edad na disisiete.Dalagang- dalaga na talaga siyang tingnan.

  Ipinusod niya ang kanyang mahabang buhok.It was a messy bun at sa ganoon kasimpleng get up ay hindi aware ang dalaga na napakaganda at seksi nyang tingnan.Pagkatapos maghilamos ay nagpasya na siyang bumaba at dumiretso sa kusina.Nagtimpla muna siya ng kape bago pumunta sa hardin para diligan ang kanyang mga alagang halaman at bulaklak.

  Kinausap niya ang mga ito pagkatapos dahil ayon sa kanyang ina noong nabubuhay pa ito ay nakatutulong raw iyon para lalong mapabilis ang pamumulaklak at pamumunga ng mga pananim.Saka siya nagbalik sa kusina para magkasalong mag- almusal at si yaya Nora.

  Tuwang- tuwa si Kali nang maamoy ang nilutong almusal ng matanda.Her favorite tapsilog!Alam nitong paborito niya iyon."Ya,ako na po ang bahalang maghugas ng mga plato.Maglilinis din po ako ng bahay pagkatapos."
Schedule niya talaga pag walang pasok na tulungan ang matanda sa mga gawaing bahay.

  Ayaw niyang mahirapan ito nang husto.Mamamalengke pa ito pagkatapos ng almusal at siguradong hinihintay na ito ni Mang Danny sa labas.
"Sigurado ka ba hija?Wala ka bang ibang gagawin?",nag- aalalang wika ng matanda.
Nginitian ito ni Kali.
"Opo ya,bukas na rin po tayo maglaba.Marami pa naman po akong oras para sa homeworks ko.Sige na ho at baka naghihintay na sa inyo si Mang Dante.Mainit na rin ho mamayang patanghali."
"Ikaw ang bahala.Pero wag kang magpapakapagod

"Ikaw ang bahala.Pero wag kang magpapakapagod masyado ha.Ano nga pala ang gusto mong ulam para sa tanghalian"

  Tumayo na si yaya.Tapos na itong kumain at bihis na rin,suot ang damit nitong pamalengke."Isda at gulay naman po tayo.Tinola na po tayo kagabi kaya pass muna tayo sa karne at baka po ma- highblood na tayo.",biro ng dalaga rito.Pero natatakam talaga siya sa isda at gulay.Medyo may katakawan kasi talaga siya mabuti na lamang at hindi siya tabain.
Ganoon sila pinalaki ng mga magulang.Kailangan balanse lahat lalo na pagdating sa pagkain.

  Bigla tuloy siyang nalungkot nang maalala ang mga ito.Napansin agad iyon ni yaya Nora.
"O siya ako'y aalis na.I- lock mong maigi ang gate ha.Mag- isa ka pa naman dito.Mabuti ng nag- iingat ha.Hayaan mo at hindi naman ako magtatagal doon",anitong iniba ang usapan.
Inihatid niya ito sa gate at tama ang hinala niyang naroon na si Mang Dante.Pagkatapos bilinan ang matanda na mag- iingat ay ikinandado na muli niya ang gate nila.

  PAGKATAPOS hugasan ang mga pinagkainan at linisin ang lababo ay isinunod ni Kali ang banyo sa ibaba.Pinunasan niya naman ang mga furnitures sa sala pati na ang mga salamin ng bintana.Nagwalis at nag- mop din siya ng sahig.
Sinipat niyang maigi kung malinis na talaga sa ibaba saka siya umakyat sa itaas.
Huli niyang nilinis ang kanyang kwarto.

You're Still My Man(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon