KINABUKASAN
nagmamadaling naglalakad si Kali sa hallway.Tinanghali siya ng gising dahil napuyat ng nakaraang gabi.Ayaw na ayaw pa naman nyang nale- late.Panay kasi ang pantasya mo kay sir,bulong na naman ng utak niya.Hindi na niya ito pinansin at lalong binilisan ang lakad.
"Kaliana,wait!"Ayaw sana niyang pansinin ang narinig.She thought she was just hallucinating pero naramdaman niyang may humawak sa kamay niya.
At dumaloy ang kuryente sa buong katawan niya.Isang tao lang ang nakapagpapadama sa kanya ng ganoon.
Pero naalala niya ang pangako sa sarili kagabi kaya tila napapasong binawi niya ang kamay mula rito.
Tila napahiya naman ang binata."At last,naabutan din kita!I didn't know you that walk like a zombie...",mukhang nagbibiro lang naman ito pero nainis siya.She noticed na tila hinahapo pa ito.Hinabol ba siya nito?
"Late na po kasi ako,sir."akmang tatalikuran na niya ito pero maagap siyang napigilan sa braso.
"It's okay.See?You're not alone.Late na rin ako.And it was all your fault.." seryosong saad ni Xander.He heaved a deep sigh.Nagtatanong ang mga matang napatingin siya rito.
"Nevermind,"he added."I just wanted to tell you something kaya hinabol kita.Can I have your number,Kaliana?",tila nakikiusap ito.
Lalong nalito ang dalaga."For personal matters",tila nais nitong alisin ang agam- agam niya.
"It's not what you think,okay?I mean I just wanted to discuss some significant matters with you but since our schedule were both loaded at hindi rin naman maisisingit pag lunch or coffee breaks so I decided to just get your number.Para tatawagan na lang kita kapag pareho tayong free."There he was again with his long explanation. Ayaw niyang magtagal pa ang pag- uusap nila kaya mabilis na kumuha siya ng papel at ballpen and wrote her number there.
Then she gave it to Xander.Pagkatapos ay nagmamadali na siyang tumalilis papunta sa room nila.Hindi na niya nakita pa ang matamis na ngiti ng binata habang tila hibang na nakatitig sa papel na may nakasulat na number niya.
Nagmadali talaga si Kali para mauna sa room nila.Hindi pwedeng makita ng mga classmates nila ang pag- uusap nila ng propesor.
At isa pa nangako siya sa sarili kagabi lang na iiwasan ang binata sa abot ng makakaya niya.Kung bakit kasi ang aga nitong mangulit.
Isumbong kaya niya ito sa guidance office?Pero ano naman ang sasabihin niya doon,na hinarass siya ni Xander?Bukod sa hindi totoo yun eh hindi niya rin naman kayang ipahamak ang binata.
Ang sabihin mo,gusto mo din naman kung sakaling harassin ka niya.Baka ikaw pa nga diyan ang magpakita ng motibo sa kanya eh.Bwahahahaha.
Nayamot na naman siya sa boses na iyon.Kapag may nakakita sa kanyang nagsasalita mag- isa tiyak mapagkakamalan siyang nasisiraan ng ulo.
Agad na umupo ang dalaga nang sa wakas ay marating ang room nila,sa tabi ng halatang kanina pa naghihintay na si Trish.
Nakataas ang kilay ng kaibigan at sigurado siyang magtatanong na naman ito na daig pa si detective Conan.Kabisado siya nito at alam nitong ang ma- late sa klase ay wala sa bokabularyo niya.
Pero bago pa ito makapagsalita ay lumitaw sa pintuan si Xander,eksaktong kauupo lang ng dalaga,at nais niyang maglaho sa kinaroroonan nang lumipad sa mukha niya ang nanunuksong titig ni Trish.
BINABASA MO ANG
You're Still My Man(Completed)
RomancePagkatapos ng mahabang panahon na magkalayo si Kali at ang ate niya,she made a promise to herself na babawi siya rito sa kanilang muling pagsasama. Pero hindi niya inasahan na sa pagbabalik ni Seana ay muling magbabalik din ang alaala ng nakaraan. N...