Chapter Twelve

79 2 0
                                    


PAGKAPASOK  sa loob ng kanyang kwarto ay agad na isinubsob ni Kali ang mukha sa unan.Malakas na malakas pa rin ang tibok ng kanyang puso.

Muli niyang nasilayan ang lalaking una niyang minahal.At muli niya ring naramdaman ang lahat ng sakit na idinulot nito sa kanya noon.Tuluyan nang pumatak ang mga luha niya.

Akala ng dalaga ay kaya na niya itong patawarin pero hindi pala iyon ganoon kadali. Paano niya ito pakikitunguhan sa tuwing magkikita sila?

Hindi niya binanggit kay Troy na balak ng ate niyang doon muna tumira sa bahay nila habang wala pang anak ang mga ito.Payag naman siya syempre dahil gusto niya pa itong makasama ng matagal,at ganoon din si yaya.

Pero noon yun,nung hindi pa nila alam ng matanda na si Xander ang nobyo nito.Ngayon ay iniisip niya kung paano ipaliliwanag sa nobyo ang lahat.At kung paano siya makakaiwas sa mga ito nang hindi nagtataka ang ate niya.

Hindi namalayan ng dalaga na nakatulugan na pala niya ang pag- iyak. Hindi na rin niya namalayan nang may pumasok sa kanyang silid at mataman siyang pinagmasdan.
Pinagsawa muna nito ang mga mata bago nagpasyang lisanin ang kwarto niya.

ON THE DAY THAT YOU LEFT ME YOU SAID YOU HAD NO REGRETS THERE'S A BOND BETWEEN US THAT HASN'T BEEN BROKEN YET...

Ang malamyos na boses ni Whitney Houston ang gumising kay Kali kinabukasan,and she was sure it was from the Music Room.Napakunot- noo siya.

The last time she used the room was during her debut.Doon siya muling isinayaw ni Xander dahil gusto raw nitong masolo siya.Iyon ay pagkatapos ng muntik na nilang pagkalimot sa hardin,after her debut party.

Pero noong nabubuhay pa ang mga parents nila ay hindi iyon nababakante.Her parents were a picture of perfect couple.Madalas haranahin ng dad nila ang kanilang ina.

At halos kumpleto ang koleksyon ng mom nila ng mga classic songs etc. Marahil ay ate niya ang nagbukas ng naturang silid.Sigurado siyang namimissed rin nito ang kanilang mga magulang.Naalala niyang nakatulugan na pala niya kagabi ang pag- iyak.

Tiyak na namamaga na naman ang kanyang mga mata.Hindi iyon pwedeng makita ng ate niya dahil tiyak na mag- uusisa ito. Agad siyang bumangon nagtungo banyo para maghilamos.

Nakaramdam siya ng pagkalam ng sikmura .Hindi pa pala siya naghahapunan.Masyadong napahaba ang tulog niya.

Kinuha niya ang cellphone.50 missed calls and 20 messages from Troy. Tiyak na nag- aalala ito sa kanya ngayon kahit hindi pa niya nababasa ang mga mensahe nito.

PURO sweet messages nga ang ipinadala sa kanya ng nobyo,just what she thought. Pero sa huling message nito ay nakasaad na baka hapon na ito makabalik sa kanila.

Napangiti sya sa sarili.Napakasipag talaga ni Troy at puno ng dedikasyon sa lahat ng ginagawa nito.

Si Xander din naman,ah?,anang isip niya pero pilit niyang itinaboy ang alalahanin tungkol sa dating propesor.

Bakit tila kasabay nitong bumalik ang kanyang konsensya na palagi na lang siyang kinokontra?

Napailing ang dalaga at muling inisip ang kasalukuyang nobyo.Halos wala talaga siyang maipintas kay Troy.Pero hindi niya pa rin mapigilan ang sarili na makadama ng kakaiba para kay Xander.

Ganoon pa rin ang epekto ng presensya nito sa kanya.Tumitigil sa pagdaloy ang oras pero hindi ang pagtibok ng kanyang puso kapag nasa malapit ito.

At never niya naramdaman ang ganoon kaninuman,kahit kay Troy.And she really felt guilty about it.Mali.Maling- mali!

May nobyo na siya at ikakasal na si Xander sa ate niya.Pero nalilito rin siya sa mga inaakto ng dating nobyo.Kahit kaharap nila sina Seana at Troy ay panay pa rin ang titig nito sa kanya.

You're Still My Man(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon