BAGO tumulak papuntang ibang bansa para sa honeymoon ay kinausap muna si Kali ni Seana.
Nag- usap sila ng ate niya ng masinsinan kasama ang asawa nito.She had learned na childhood sweethearts din ang dalawa katulad nina Trish at Tyler.
Mahigpit daw noon ang bilin ni tito Kamilo tungkol sa pakikipagnobyo kaya inilihim ng dalawa ang naging relasyon noon.
Ipinagtapat din ng ate niya na niyaya na itong magpakasal noon ni Ram pero tumanggi ang huli dahil mas inuna nito ang pamilya.Nang lumipad si Seana papuntang Canada ay doon nito natuklasan ang tungkol sa kasunduan ng pamilya nila sa mga Perez.
Dahil doon ay inamin nito sa tiyuhin ang relasyon kay Ram, ngunit nang ipaliwanag ni Kamilo ang kalagayan ng kanilang kompanya ay nagdesisyon si Seana na putulin ang komunikasyon sa nobyo sa Pilipinas.Malaki ang utang na loob ng mga Morales sa mga Perez.
Napagtanto ni Kali na halos pareho pala sila ni Ram ng sinapit.Nakahanda na daw talaga ang ate niya na magpakasal kay Xander kung hindi lamang nito natuklasan ang sikreto niya kasabay ng muling pagkikita nito at ng dating nobyo.
Noong gabi sa reunion na nakita niyang naghahalikan ang dalawa.At si Ram din ang misteryosong madalas dumalaw sa puntod ng mga magulang nila at nagdadala doon ng mga bulaklak.
Kaya nag- usap ng masinsinan ang dalawa- sina Xander at Seana,at napagpasyahan nilang gawin ang sorpresa sa kasal.Mas maswerte pa rin sa kanya ang bayaw dahil sa huli ay ang babaeng tunay nitong minamahal pa rin ang nakatuluyan.
Napabuntunghininga na lang ang dalaga at itinuloy ang pagdidilig.Naroon na naman siya sa garden para bisitahin ang mga mahal niyang bulaklak.
Maswerte din naman siya kay Troy dahil mahal na mahal siya ng binata.She suddenly felt sad nang maalala ang nobyo.Ilang araw na kasi itong hindi nagpaparamdam.
Nagtampo nang tumanggi siya na doon ito magstay sa kanila habang wala sina Seana.
Okay lang naman sila ni yaya.At gusto niya munang mapag- isa at magmuni- muni.Sosorpresahin nalang niya si Troy mamaya.Pupuntahan niya ito sa condo.
Kaliana...",nanigas sa kinatatayuan at napatigil si Kali sa ginagawa nang tila may tumatawag sa pangalan niya.
Parang napakalapit lang.Was she just hallucinating things?Epekto pa rin siguro ng mga nakaraang kaganapan.Napailing na lamang siya at hinamig ang sarili.
She decided to continue what she's doing nang muli niyang marinig ang boses na iyon.
"Sweetheart..",halos paanas na wika nito sa may punong tenga niya.Tumindig halos lahat ng balahibo ng dalaga.
Xander!,sigaw niya sa isip.Now she's certain she na hindi lang guni- guni ang mga narinig at naramdaman niya kanina.It was real.She could feel his warm breath on her nape.
At naramdaman niya ang unti- unting paglapat ng likod niya sa malapad na katawan ng binata .
Yes,he was there,really there hugging her from behind.It wasn't just a dream or any of her hallucinations.
Ramdam niya ang mainit nitong balat at naririnig din niya ang malakas na tibok ng puso ng binata.
Kali closed her eyes to savour the moment at pilit itinaboy ang mga agam- agam,especially ang guilt feeling para sa kasalukuyang katipan.
Why it felt so good to be inside Xander's arms?Ilang araw din niyang itinanggi sa sarili na sobrang namimissed na nya ang binata.Huling kita niya kasi rito ay nung kasal pa ni Seana.
"God,I missed you,sweetheart. Missed you so bad!"bulong nito at lalong hinigpitan ang yakap sa kanya.Pinigilan ni Kali ang sariling hawakan ang mga kamay nitong humahapit sa bewang nya.
BINABASA MO ANG
You're Still My Man(Completed)
RomancePagkatapos ng mahabang panahon na magkalayo si Kali at ang ate niya,she made a promise to herself na babawi siya rito sa kanilang muling pagsasama. Pero hindi niya inasahan na sa pagbabalik ni Seana ay muling magbabalik din ang alaala ng nakaraan. N...