Chapter Seventeen

64 1 2
                                    


NASA  likuran nina Kali at Troy ang mag- asawang Trish at Tyler at katabi naman ng mga ito sina yaya Nora at Mang Dante.

Kinailangan nila maghiwalay ng nobyo at pumisan sa mga kasamahang groomsmen at bridesmaids.

Ilang saglit nalang at magsisimula na ang seremonya- her sister's greatest dream but unfortunately a nightmare to her.

Nakadaupang palad din nya kanina ang ina ni Xander na si Doña Zandra.Hindi siya nagkatoon ng pagkakataon na makilala ang pamilya ng dating nobyo noong sila pa.How ironic dahil kapatid nya ang magiging manugang nito.

Hindi niya ipinahalata ang tunay na nadarama at kung may nakakaalam man niyon ay walang iba kundi ang bestfriend nyang si Beatris.

Mabait ang mama ni Xander at palangiti.Kamukha ito ng binata lalo na ang mga mata.Katabi nito ang kanilang tito Kamilo na siyang maghahatid sa ate niya sa groom nito.

Naagaw din ang kanyang atensyon ng isa pang grupo sa likuran ng donya at tiyuhin,buong pamilya ni Ram.Halos kasabay nilang dumating sa simbahan kanina ang mga ito.Talaga ngang napaka- espesyal ng araw na ito para kay Xander at gusto nitong masaksihan iyon ng buong mundo,aniya sa isip ni Kali.

Biglang nagbalik sa kanyang gunita ang nasaksihan noon sa parking lot kung saan siya nakita ni Xander.Sa totoo lang,napakaraming tanong ang gumugulo sa isip ng dalaga.

Nahiya naman siyang tanungin ang ate niya lalo pa at nitong mga nakaraang araw ay abala ito sa paghahanda para sa kasal.

Dahil sa naalala ay lumipad ang tingin niya sa kinaroroonan ni Ram.She looked at him intently and and she noticed that he was too serious.Ito ang best man pero mas mukha pang groom sa outfit nito.Napakakisig at gwapo din ng binata.

Sa apat na na lalaki- Xander,Troy,Tyler at Ram,ay walang itulak- kabigin.Kanina niya pa naririnig ang impit na hagikhikan ng mga dalagitang naroon.Bakas sa inosenteng mga mukha ang paghanga para sa kanilang mga binata.

Nang alisin nya ang mga mata kay Ram ay nagtama naman ang paningin nila ni Xander.Napakislot ang dalaga sa kinatatayuan.Pero hindi niya binawi ang mata sa dating nobyo.Lumaban siya ng titigan dito.Kahit sa huling pagkakataon man lang ay maging totoo siya sa sarili.

Wala na siyang pakialam kung mabasa man nito ang tunay niyang saloobin.Nasa mga mata niya ay pahiwatig ng pagpaparaya at pamamaalam.Sana ay mabasa rin iyon ni Xander.

Sari- saring emosyon ang naramdaman ng dalaga.Kung ibang babae lang siguro ang pakakasalan nito ay ipaglalaban niya.Pero hindi,hindi maaari.Hindi niya maaaring agawan ng kaligayahan si Seana.

Bago pa siya tuluyang maiyak ay iniiwas niya ang tingin sa binata.Nagdurugo ang puso niya sa sobrang pighating nararamdaman.Hindi niya alam kung tatagal siya hanggang matapos ang kasal.

Lahat ay napatigil at napako ang atensyon sa kabubukas lang na entrada ng simbahan.Iniluwa roon ang isang napakagandang Seana na tila isang royal queen sa suot nito at ayos.Litaw na litaw pa rin ang kagandahan sa kabila ng simpleng make up.

Maganda at bongga din ang wedding gown nito na gaya ng dati ay dinisenyo ng paborito nilang fashion designer.Pero pinakamaganda sa lahat ang ngiti ng bride.Tila ito isang diyosa.Bakas sa mukha ng mga naroon ang paghanga at pagkainip.

Agad sinalubong si Seana ng kanilang tito Kamilo na di rin naman pahuhuli sa kakisigan at taglay na kagwapuhan kahit nasa late 50's na ito.Malaki ang pagkakahawig nito sa yumao nilang ama na si Don Kalisto.

Nang muling mapadako ang mga mata niya kay Xander ay kitang- kita nya ang napakatamis na ngiti sa labi ng binata.He looks at his bride with so much admiration.Habang tumatagal ang oras ay lalong nadadagdagan ang torture para sa kanya.How she wished she could just vanish or better yet be invisible.

You're Still My Man(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon