MULING itinutok ni Kali ang mata sa isang nilalang na naroon at binasa ang mukha nito.He seemed so serious and staring intently at the couple.Pero mas nakatitig ito sa babae.Mukhang hindi lang sila ni Xander ang may sikreto.Pero hindi pa rin naman malinaw sa kanya ang nasa isip.Kailangan pa niyang patuloy na magmasid at makiramdam.
Medyo nanibago siya sa ate niya.Yes,she was smiling but she also saw something in her eyes.At ngayon niya lang nakita iyon mula nang umuwi ito ng Pilipinas.
"Ninang,I missed you!Mukhang hiyang ka po dito sa atin ah.Lalo kang gumanda.",si Trish na niyakap ang ate niya.Mukhang nakabawi na ito.
"Naku,nambola ka pa jan.Ikaw nga ang blooming na blooming.Hmmmm,at balita ko extended daw ang honeymoon niyo ha?",tukso ng ate niya.Nagsama na naman ang dalawang luka- luka.
"Hindi naman po,medyo sinulit lang namin ang bakasyon kasi back to work na ulit pareho.",kunwariy nahihiya pa ang bruha niyang kaibigan.Napangiti tuloy siya.
"Well,congratulations pare!",ani Ram."Pleased to meet you,future Mrs. Perez..",nakangiting inilahad nito ang palad kay Seana.
Alanganin ang ngiti ni Xander,alam niya kung bakit.Naiilang ito sa sitwasyon lalo pa at halos lahat sila na naroon ay alam ang tungkol sa nakaraan pwera sa ate niya.
And speaking of Seana,hindi pa rin nito inaabot ang kamay ni Ram na kanina pa nakalahad.Hindiniya alam kung siya lang ang nakapuna pero parang namutla ang ate niya.
"Honey?",saka pa lang tila natauhan ito nang magsalita ang nobyo.Tinaggap nito ang pakikipagkamay ng matalik na kaibigan ng fiance nito.Nakasunod ang mga mata ni Kali sa magkadaupang palad ng dalawa.
Hindi niya alam kung napa- paranoid lang ba siya dahil kanina pa siya nagmamasid sa paligid.Pakiramdam tuloy niya ay mas marami pang di inaasahang magaganap ngayong gabi.
"Pleased to meet you,too-"
"It's Ramgen,I bet your fiance forgot to tell you my name.But you can call me Ram...",diretsong nakatitig ito kay Seana."Pleased to meet you,too,R-ram",Seana said,stammering.Ram smiled pero hindi umabot sa mata."Your fiancee is very beautiful,Xander.Napakaswerte mo sa kanya.Masaya ako dahil finally magse- settle down ka na,bestriend."
Sigurado si Kali na siya lang ang nakapansin at nakaramdam sa tensyong namumuo sa paligid.Kahit yata si Xander ay clueless din."I know pare,salamat.Imbitado kayo sa kasal namin soon!"
Nakita niya ang pagsungaw ng sari- saring emosyon sa gwapong mukha ng dating coach nina Troy at Tyler mula nang lumapit sa pwesto nila ang magnobyo.Pagkasabik,pagkagulat,pagkalito,sakit,lungkot at panghihinayang.
Nang biglang maghiyawan ang mga kabatch nila ay napalingon sila lahat.Nahawi ang daan para magbigay pugay ang lahat sa campus queen na walang iba kundi si Anastacia Ylagan.
Dramatic ang entrance nito as always.Ibig niya tuloy matawa.Siniko siya ni Trish.Pero aaminin niyang tila reyna ito sa suot nitong gown.
Litaw na litaw ang kagandahan nito.Masyado nga lang attention- seeker ang babae.
As usual,ayaw na naman nito magpahuli sa eksena.And just like the old times,kasunod na naman nito ang dalawang alipores na sina Krislie at Zia.Katulad ni Stacey,bonggang bongga din ang attires.
Napansin ni Kali na sa direksyon nila ito patungo.Bumaba agad ang mga mata nito sa kamay ni Troy na nakayakap sa bewang niya.Hindi maitago ang pain at disgust sa magandang mukha nito.
Pero agad ding naglaho ang mga naunang emosyong bumalatay sa mukha nito.Habang papalapit sa kanila ay may nakaplaster ng matamis na ngiti sa mga labi ng babae.

BINABASA MO ANG
You're Still My Man(Completed)
RomancePagkatapos ng mahabang panahon na magkalayo si Kali at ang ate niya,she made a promise to herself na babawi siya rito sa kanilang muling pagsasama. Pero hindi niya inasahan na sa pagbabalik ni Seana ay muling magbabalik din ang alaala ng nakaraan. N...