Morales Residence, Alabang
PRESENT DAY
Tuwang-tuwa si Kali habang dinidiligan ang kanyang mga halaman dahil namulaklak na muli ang mga ito.She loves flowers so much. She even talks to them as if they are able to answer her back.
The very first place she visits in the morning is their beautiful garden. Nawawala ang problema nya masisilayan ang kagandahan ng mga bulaklak.
She spent almost an hour in her favorite place. Maaga syang gumigising kahit weekends dahil nakasanayan na niya ang gawaing iyon mula nung high school pa lang sya. Sa kanya iniwan ng kanilang namayapang ina ang pangangalaga sa pinakamamahal nitong hardin.
Pagkatapos medyo ng mahaba- habang pagmumuni- muni ay napagpasyahan nyang mag- jogging. It was her daily morning exercise. Pawisan siya ng makabalik sa bahay.
Dumiretso siya sa komedor. Her ate Seana was already there almost finished preparing their breakfast. Biglang kumalam ang sikmura nya pagkaamoy pa lang sa niluto ng ate nya.
"Mmmm...wow ate amoy pa lang masarap na!", malapad ang ngiti nya nang bumaling kay Seana."Siyempre naman, alam ko yatang super favorite mo ang tapsilog!," nagmamalaking wika ni Seana. "Masisira yata ang plano kong pagda- diet ate kapag ganitong laging masarap ang putaheng iniluluto mo!" halatang takam na takam na si Kali sa tapsilog.
Seana was right, it was her all-time favorite breakfast. Inabutan siya ni Seana ng isang malinis na tuwalya. Napansin nito tiyak na pawisan sya. Her ate was very sweet at never itong nagbago kahit matagal silang nagkalayo. Kaya mahal na mahal nya ito.
"Let's eat na. Baka lumamig ang pagkain Kali," nagpatiuna ng umupo ang ate nya. Sumunod na rin sya. Sigurado siyang marami syang makakain ngayon. Kaya naman sobrang namiss nya ang nakatatandang kapatid nang magtrabaho ito noon sa abroad.
Nangungulila siya at nasasabik sa mga pag- aaruga nito. Pero para din sa kapakanan nya ang ginawang pag- alis noon ni Seana.
"Ate, sana sumama kang mag- jogging sa akin. Tumataba ka na kaya.Baka mamaya ipagpalit ka ng boyfie mo,"
Kali was just trying to tease Seana. Hindi naman totoong tumataba ito dahil napakaganda pa rin ng hubog ng katawan nito. And she was also very beautiful. Hiyang na hiyang ito sa Canada dahil lalo itong gumanda.
"Well babysis, hindi naman ako natatakot tumaba.That's just normal lalo na pag nagkakaedad tayong mga babae. Bumabagal ang metabolism natin. And besides, I'm one hundred one percent sure na hindi ako ipagpapalit ng boyfriend ko. He's not the type of person na sa physical looks lang tumitingin." Seana said confidently.
Hindi mayabang ang ate niya alam nyang magsasabi lang ito ng totoo.
"He loves me so much and I trust him. Isa 'yun sa pinakamatibay na sangkap ng relasyon, Kali.Ang tiwala.," tila proud na proud at kilig na kilig din ang ate nya.
Talagang head over heels ito sa nobyo at masaya siya para rito. Saya na may kalakip na lungkot dahil alam niyang isa sa mga susunod na araw ay tuluyan na silang magkakahiwalay na magkapatid.
Gustong sulitin ni Kali ang mga oras na makakasama ang kapatid. Ilang taon siyang nasabik dito. Kaya kahit kararating lang nito last week ay panay ang bonding nila.
Kasalukuyang nasa pool sila dahil niyaya nya itong mag- night swimming. Masaya silang nagkukuwentuhan tungkol sa mga kaganapan sa kanya- kanyang buhay sa mga nakaraang taon na hindi sila magkasama.
"I missed you so much babysis!", naluluha si Seana habang binibigkas iyon.She hugged her little sister tightly.
"I missed you more, ate".
Gumanti din sya ng yakap kay Seana. Ilang sandali silang nanatili sa ganoong posisyon bago naghiwalay.
BINABASA MO ANG
You're Still My Man(Completed)
RomansaPagkatapos ng mahabang panahon na magkalayo si Kali at ang ate niya,she made a promise to herself na babawi siya rito sa kanilang muling pagsasama. Pero hindi niya inasahan na sa pagbabalik ni Seana ay muling magbabalik din ang alaala ng nakaraan. N...