Chapter Sixteen

70 2 0
                                    


"May kinuha si Xander sa loob habang siya ay tuliro pa rin.Namalayan na lamang niyang may malambot na bagay na pumatong sa katawan niya."Alam kong lamigin ka",aniya habang inaayos ang pagkakapatong sa kanya ng jacket.

"You still remember?Salamat.",mahina at medyo nahihiyang tugon niya."Wala akong nalimutan kahit ang pinakamaliit na detalye,Kaliana.I can still clearly remember everything."

Intense ang titig sa kanya ng dating nobyo at hindi niy iyon natagalan.Nagpatiuna na siyang maglakad dito para makaiwas na rin sa mga alaala ng nakaraan.

"Babe,where have you been?Kanina pa kita hinahanap!",lukot ang mukha ni Troy nang salubungin siya.Mabuti na lamang at hindi sumabay sa kanya papasok si Xander.

Alam niyang kasunod niya pa rin ito kanina but he kept his distance.At nagpapasalamat siyang wala rin doon ang ate niya dahil kung hindi ay maghihinala talaga ang nobyo niya na baka nagkita sila ni Xander.

Totoo naman,diba?Ilang beses na nga kayong nagkikita ng pasikreto,ang kontrabidang tinig andun na naman.

"Sorry babe kung di ako nakapagpaalam sa'yo kanina,busy kayo ni Stacey eh.Kumuha lang naman ako ng jacket sa kotse"

"Oh I'm sorry babe,sana tinawag mo ako para nasamahan kita.I can leave that bitch anytime."inirapan niya ang nobyo.

"Ang hard mo sa kanya,babe.Wait,ano pala yung sinasabi niya kanina?Nagkita kayo at di mo sinabi sa akin?"

Tameme si Troy sa sinabi niya.Kailangan niya malaman ang sagot sa isa sa mga katanungan niya ngayong gabi.

"Don't tell me nagseselos ka kay Stacey?",halatang iniiba nito ang topic."Troy...",she warned him.

"Fine, I'll tell you later.But for now,pwede bang maisayaw ko muna ang girlfriend ko?Please?"

Natawa siya sa hitsura nitong nagpapaawa.Kayahindi na siya umangal nang hilahin siya nito papuntang dance floor.Eksaktong sweet music ang pumapailanlang ng mga sandaling iyon.

Nahagip ng mata niya na nagsasayaw din ang mag- asawang Collins at ganundin ang ate niya at si Xander. Nakatalikod sa kanya si Seana kaya ang nobyo nito ay sa kaniya nakaharap.Nakayakap siya kay Troy.

Sa isang sulok ay namataan niyang seryoso si Ram habang may hawak na kopita na unti- unti nitong tinutungga ang laman.At ang mga mata nito ay nakatutok sa isang tao lamang.

Natapos ang reunion na puno pa rin ng mga katanungan sa isip ni Kali.Parehong sa bahay nila natulog sina Xander at Troy dahil hindi na nila pinayagang magdrive pa ang mga ito pauwi sa kanya- kanyang tirahan.Alam nila ni Seana na nakainom pareho ang dalawa sa party.

KINABUKASAN masinsinang nag- uusap ang dalawa sa loob ng kwarto ni Seana.

"So siya pala ang kinukwento mo sa akin noon na first love mo,honey?",anang Xander.Marahang tumango naman si Seana.

"I'm so sorry Xander.Hindi ko gustong pagtaksilan ka- - -"masuyong itinakip niya ang hintuturo sa bibig ng nobya.

"It's alright honey.I understand you.Naipit lang tayo sa sitwasyon pareho.Sa old problems ng mga pamilya natin.Hindi naman talaga natin kailangang isakripisyo ang mga pansarili nating kaligayahan,right?"

Naggawa niya pa rin maging kalmado kahit ang totoo eh shocked pa rin siya sa mga natuklasan.Ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat.Talaga ngang napakaliit lang ng mundo.

Labis na guilt ang nakikita niya sa mukha ng nobya.Napakabait talaga ng babaeng ito.Pero wala naman itong dapat ika- guilty dahil kung tutuusin mas marami siyang sikretong itinatago.

Muling naglakbay ang diwa ng binata kung paano sila nagkakilala ni Seana....

Unang beses niya pa lang nakita si Seana ay magaan na agad ang loob niya dito.Nakilala niya ang dalaga sa isang park sa Canada. 

You're Still My Man(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon