MADALING araw na siya halos nakatulog dahil napuyat siya kagabi kakaisip.Naggising siya kanina sa musikang nanggagaling sa music room.Siguro ay si Seana ang may pakana noon.Music lover din kasi ang nobya niya at romantiko.Nawiwirduhan lang siya dahil paulit- ulit ang nagpe- play na kanta.
Ngayong sila lamang dalawa ni Kali ang naroon sa bahay ay natatakot siya sa sarili niya at sa mga pwede niyang maggawa.Pero kailangan niya talaga itong makausap at sa tingin niya ay ito na ang pinakatamang pagkakataon.
Hinamig niya muna ang sarili bago dahan- dahang naglakad palapit sa dating nobya.
Tila napako naman ang dalaga sa kinatatayuan nito at hindi nakagalaw habang nakatitig lamang kay Xander.Pero nang tumigil siya sa harapan nito ay tila ito natauhan.
Akmang aalis ang dalaga ngunit maagap niyang nahawakan ito sa magkabilang balikat.
Napapikit ang binata nang malanghap ang pamilyar na pabango nito.Muli siyang napahinga ng malalim.
"Kaliana....",halos pabulong lang na sabi niya rito while looking at her intently.
TILA ipinako si Kali sa kinatatayuan.Ano ang ginagawa nito roon ng ganoon kaaga?Hawak siya ni Xander sa magkabilang balikat.
She wanted to tell him na bitawan siya pero walang katagang lumabas mula sa bibig niya.Their eyes met.
She felt that familiar feeling again tuwing magdidikit ang mga balat nila.Muli din siyang nabingi sa sobrang lakas ng tibok ng kanyang puso.And only Xander could make her feel that way.
"Kaliana...",he whispered.Nakaramdam ng panganib si Kali ngayong napakalapit sa kanya ng binata.Lalo pa nitong inilapit ang mukha sa kanya hanggang sa gahibla na lang ang pagitan nila sa isa't - isa.Lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib.
Halos nalalanghap na niya ang mabango nitong hininga.Sinalubong niya ang titig nitong punung- puno ng emosyon. Pananabik,pangungulila at pagtatangi na nababasa sa mga mata nito.
AND THE SEASONS OF OUR LOVE WILL ALWAYS CHANGE I KNOW
MAYBE THAT'S THE REASON YOU SAID YOU HAD TO GO
BUT SOON YOU'LL BE MISSING ME
DARLING I KNOW YOU WILL
THERE'S A MAGIC WE SPENT TOGETHER
AND NO ONE CAN BREAK THAT SPELLPatuloy ang kanta sa music room na para bang nananadya.Dahil doon ay biglang natauhan ang dalaga."Anong ginagawa mo dito ng ganito kaaga,Mr. Perez?",malamig pa sa yelong tanong ni Kali.
Sinadya niyang huwag itong tawagin sa first name nito."Or should I start calling you "Kuya"?!"
Bumalatay naman ang matinding lungkot at pagtutol sa gwapong mukha nito."I'm sorry, Kaliana.",buong pagpapakumbabang turan ni Xander.
Lalo namang sumidhi ang galit ng dalaga.
"Sorry?",aniyang nakataas ang kilay."Wow,big word!Is that all you wanted to say to me?"Pinilit niyang kalasin ang mga kamay nito sa balikat niya peros mas lalo pa nitong hingpitan ang pagkakahawak sa kanya.
"Sabagay,ano pa nga ba ang dapat kong asahan sa isang sinungaling at manlolokong gaya mo."
Her words were full of sarcasm and bitterness.Bumuka ang bibig nito pero sa huli ay nanatiling nakatikom pa rin.
He was sorry,that's all.Para na rin nitong ipinamukha sa kanya na pagkakamali lang ang lahat ng namagitan sa kanila noon.
Makapal pa sa makapal ang mukha ng lalaki.She always wanted closure,ito an siguro iyon.
"Alam kong napakalaki ng kasalanan ko sa'yo but I want you to know na I had my reasons.Gusto ko ding malaman mo that I really loved you.Pero kami ng ate mo ang nakatakda para sa isa't isa at sa tingin ko naman ay masaya ka na rin sa piling ni Troy.
BINABASA MO ANG
You're Still My Man(Completed)
RomancePagkatapos ng mahabang panahon na magkalayo si Kali at ang ate niya,she made a promise to herself na babawi siya rito sa kanilang muling pagsasama. Pero hindi niya inasahan na sa pagbabalik ni Seana ay muling magbabalik din ang alaala ng nakaraan. N...