Chapter Seven

119 5 0
                                    

NAPAGPASYAHAN  ni Kali na bumili ng babasahin sa isang  bookstore sa pinakamalapit na mall. Naiinip kasi siya sa kwarto niya minsan palibhasay summer vacation.

Naisip nya rin na magandang way iyon  para  makaiwas siya sa  ate niya dahil kinakain siya lagi ng guilt tuwing makikita ito.

Hindi siya galit kay Seana pero hindi niya maiwasang maalala ang dating katipan tuwing makikita niya ang nakatatandang kapatid.

Nasa loob na siya ng bookstore nang may marinig siyang pamilyar na boses na tumatawag sa kanya.

"Kali, is that you?!"
Awtomatikong napalingon ang dalaga para hanapin ang pinagmulan ng tinig nang salubungin siya ng yakap ng isang lalaki.

Labis siyang nagulat lalo na nang bumitaw ito sa pagkakayakap sa kanya dahil tuluyan niyang nakita ang mukha nito.

"Oh God, it's really you!I missed you so much!" tuwang-
tuwa ito at muli siyang niyakap.

Gumanti siya ng yakap dito habang nakangiti. He really missed this guy.Kanina lang ay nasa isip niya ito pero ngayon ay heto at kayakap na niya.

I missed you too, babe!" She happily said and kissed him.

She was  just planning to kiss him on the cheeks pero bigla nitong sinalubong ang labi niya.

Nagulat man ay di na rin siya tumutol. It wasn't her first kiss, after all. Natawa na lang siya sa inasal nito. He was still the naughty guy she used to know.

Sinuyod ng kaharap ng tingin ang kabuuan ng dalaga. Bumakas ang matinding paghanga sa mga mata nito.

"You haven't changed, babe. Lalo ka pang gumanda ngayon," puri nito sa kanya. Pero napakunot- noo nang mapagawi ang mata sa buhok niya.

"Your hair...." hinaplos nito ang buhok niya."I liked it black you know, bagay sa inosente mong mukha.."

Tumaas ang kilay ng dalaga. Pero sanay na ang kaharap sa katarayan niya. "Are you trying to tell me na-" Humalakhak bigla ang binata sa naging reaksyon niya.

"Easy, babe. Bagay sayo kahit anong hairstyle...kahit kalbo pa." he winked teasing her more. Napasimangot si Kali at tinalikuran ito.

Hindi pa siya nakakalayo nang maramdaman niyang may yumakap sa kanya mula sa likuran. "You looked hot with your blonde short hair...", he whispered in her ear.

Tumaba naman ang puso ng dalaga at muling hinarap ito.
"IKR." she rolled her eyes. "As if I didn't know na patay na patay ka sa akin noon. Tssss."

"Hmmm, conceited brat! Hanggang ngayon naman, eh. Head over heels pa rin ako sa beauty mo. Pero aminin mo lalo din akong gumwapo diba?"

Nag- puppy eyes pa ito na ikinatawa ng dalaga. Sinuyod niya ng tingin ang lalaki from head to foot. Hindi naman ito nagyayabang.

Totoong lalo itong gumandang lalaki. At mas nagkalaman ito ngayon. Mapagkakamalan itong doppelganger ni Chris Evans. Pero hindi niya ito pupurihin. May bigla siyang naisip na kapilyahan habang nakatitig dito.

"What? Finally convinced that we really fit together, hmmm?"
"I'm starving, babe.."sa halip ay nakangusong sagot ni Kali. Gusto niyang bumawi ito sa mga panahong naging busy ito at nawalan ng time sa kanya.

"Fine. You really know how to use your charms on me, lady." natatawang naiiling na sagot naman ng binata.

Magkahawak- kamay silang lumabas ng bookstore.

Mamaya na lamang niya babalikan ang napiling libro. As usual, treat nito. Bukod sa kailangan talaga nitong bumawi sa kanya, sadyang ayaw nitong magbitiw siya kahit isang sentimo.

You're Still My Man(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon