ANG MAINGAY na tunog ng alarm ang nagpagising kay Xander kinabukasan.Nai- set nga pala iyon kahapon dahil sa maaga ang flight niya.Pagod na pagod ang pakiramdam ng binata at tinatamad pa siyang bumangon.Pero bigla siyang napamulat ng maramdaman ang mainit na hininga sa may leeg niya.
Pati na rin ang mga kamay na nakayakap sa kanyang bewang.He could feel na may nakadagan maging sa mga hita niya.
At nang tumingin siya sa kanyang tabi ay para syang binuhusan ng malamig na tubig.Biglang nag- flashback ang mga alaala ng kaganapan kagabi.At kung bakit niya katabi sa kama si Kali.
But today's her wedding!
Tila tunog ng kampana iyon na nag- echo sa isip ni Xander.Mas matindi pa ang impact na dulot kaysa sa ingay ng alarm kanina.Muli na naman siyang nalito sa inasal ni Kali kagabi.Kung bakit bigla na lang itong lumitaw sa condo niya at ipinaubaya sa kanya ang sarili.
Was it her last goodbye?Pero nakailang goodbyes na sila isat- isa,diba?Tila naloloko na siya habang kinakausap ang sarili.
Nag- iwan na naman ito ng panibagong alaala for him to cherish.
He gently stared at her face na napakaamo pa rin sa kabila ng katotohanang hindi na ito inosente gaya ng dati.She was peacefully sleeping like a baby.
Napangiti si Xander habang sinusulit ang natitirang mga sandali sa piling ng nag- isang babaeng minahal niya.
She was his life,his everything...
At kapag hinayaan niya itong mawala sa buhay niya ay para na rin siyang namatay.Hindi niya alam kung paano niya haharapin ang panibagong kabiguan na iyon pero kailangan niyang magpakatatag.
Nagtatalo ang kanyang isip at puso.Ano kaya kung kidnapin na lang niya ang dalaga?Tutal ito naman ang kusang pumasok sa unit niya.
Trespassing ang ginawa nito eh.Kaya mas mabuti pa siguro kung ilayo niya ito at dalhin sa lugar na hindi ito makikita ni Troy.
Doon sa walang hahadlang sa pag- iibigan nila.Kasi kahit pinili nitong pakasalan ang nobyo ay ramdam niyang may espesyal na parte pa rin siya sa puso ni Kali.
Sa huli ay isang pasya ang nabuo ni Xander at handa siyang panindigan iyon.Para sa ikabubuti ng lahat.
Muli niyang pinasadahan nang tingin ang kabuuan nito na nakayakap pa rin sa kanya.Masuyong hinaplos ng binata ang mukha ng katabi and kissed her forehead.
Pero hindi niya inasahan ang sunod na nangyari,bigla itong bumangon at dumagan sa kanya.
"Good morning,sweetheart!",nang- aakit na wika nito.Napakatamis ng ngiti habang matiim na nakatitig sa kanya.
Natigilan ang binata na tila nahipnotismo sa kagandahang nakaharap sa kanya.Pero bigla niyang itinulak si Kali palayo sa katawan niya na ikinagulat nito.
"Get up and fix yourself, Kaliana.Ihahatid kita sa bahay niyo.It's still early.May oras ka pa na makapag- ayos para sa kasal ..",malamig nyang saad bago tinalikuran ang dalaga.
HINDI na nakita ni Xander ang pagsilay ng isang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Kali dahil nakatalikod siya rito."Sa labas na lang kita hihintayin."
Napailing na lamang ang dalaga habang pinupulot ang mga damit nyang mga damit niyang nagkalat sa sahig.
Masakit pa ang katawan ni Xander at latang- lata siya.Pero biglang nag- init ang pakiramdam nang maalala kung ilang beses niyang inangkin kagabi si Kaliana.Lihim siyang napamura.
Nakasandal siya sa may pinto nang maramdaman ang paglapit ng dalaga.Masusing tiningnan niya ito at namangha siya nang walang mabakas na guilt o regret sa mukha nito.She looked too relaxed for the situation.
BINABASA MO ANG
You're Still My Man(Completed)
عاطفيةPagkatapos ng mahabang panahon na magkalayo si Kali at ang ate niya,she made a promise to herself na babawi siya rito sa kanilang muling pagsasama. Pero hindi niya inasahan na sa pagbabalik ni Seana ay muling magbabalik din ang alaala ng nakaraan. N...