Ohana Homes,AlabangPRESENT DAY
ABURIDO si Xander pagkatapos mailapag ang telepono.Tumawag ang nobya niyang si Seana.Nawala sa isipan niya ang usapan nilang magkikita ngayon para kitain ang wedding organizer na kakilala nito.
Hanggang ngayon kasi ay balisa pa rin siya kahit ilang araw na ang nakalipas mula ng makausap niya si Kaliana.
He really missed her sweet voice.How could he forget the voice of the woman who captured his heart the first time he laid eyes on her?
Kaliana was just a girl when he met her-still a young girl and yet she already has that powerful effect on him.
He knew all along that Seana and Kaliana were sisters.Madalas ibida noon ni Kali sa kanya ang pinakamamahal nitong ate.Noong mga panahong estudyante niya pa ito.
Aksidente ang naging pagkikita nila ni Seana noon sa Canada.Pero minsan ay iniisip niyang kagustuhan iyon ng tadhana.
Sadya ngang maliit lang ang mundo.At matindi magbiro ang tadhana.Of all people,si Seana pa ang- - -.
Napailing na lang ang binata sa naalala.He felt that familiar pain inside his chest,again.
Batid niyang walang kasalanan ang kasintahan kaya hindi niya ito dapat sisihin.Malaki ang utang na loob niya rito.Hindi mahirap mahalin si Seana.Katulad ni Kali,napakaganda din nito.Mabait at malambing pa.
At ramdam niyang mahal na mahal siya ng dalaga.Pero ang puso niya ay hindi niya maibigay nang buo rito.Dahil may espesyal na bahagi pa rin ang kapatid nito sa kanyang pagkatao.Alam niyang kinasusuklaman siya ni Kaliana.At hindi niya ito masisisi.Pero huli na rin para magpaliwanag pa siya.
Seana has no idea about their past.He was sure hindi nagkwento dito ang kapatid,maging si yaya Nora.
Kaliana was very secretive kahit noong college pa lamang ito.Maingat ito noon lalo na sa naging ugnayan nilang dalawa.
Tanging si yaya Nora at ang magnobyong Trish at Tyler lang ang nakaalam ng tungkol sa kanila ng dalaga noon.At sigurado siyang lahat sila ay mapagkakatiwalaan.
Palagi siyang nakakaramdam ng guilt at kung minsan ay gusto na niyang ipagtapat sa kasintahan ang totoo pero ayaw niyang mahirapan ito.Magiging komplikado lang lalo ang lahat.
Limang taon na rin ang matuling lumipas mula nang umalis siya ng Pilipinas.Mula nang iwan niya ang babaeng una niyang minahal.
Ang babaeng hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makalimutan.Ang unang nagpatibok sa pihikan niyang puso at nagparamdam sa kaniya ng sari- saring emosyon.
Ang babaeng pinangarap niyang iharap sa altar,maging ina ng kanyang magiging mga anak at makasama habang buhay.
Ngunit lahat ay alaala na lang.May mga bagay talaga na hindi pwedeng ipilit.May mga pangarap na kailangang isakripisyo para sa mga pangako na kailangang tuparin.
Hindi niya alam kung paano haharapin si Kaliana.Kung paano ito pakikitunguhan.
At nahihiya din siya sa yaya Nora.Muli siyang nagbalik- tanaw sa nakaraan.
How they met ...
He still clearly remembers how aloof Kaliana was before.At totoong nahirapan siyang mapalapit dito noon.She was very young and naive and yet he luckily got the chance to know her.To be a special part of her life.To enter her world fully.To be the one who owns her heart.
He still remembers how close they were before..
And now he's just a stranger with all her secrets.Naglakabay ang isip ng binata pabalik sa nakalipas na limang taon...
BINABASA MO ANG
You're Still My Man(Completed)
RomancePagkatapos ng mahabang panahon na magkalayo si Kali at ang ate niya,she made a promise to herself na babawi siya rito sa kanilang muling pagsasama. Pero hindi niya inasahan na sa pagbabalik ni Seana ay muling magbabalik din ang alaala ng nakaraan. N...