"WAIT guys, magkakilala kayo?!",si Seana na hindi na nakatiis.Shock was written all over her pretty face."Yes honey.Naging mga estudyante ko sila noon sa OU."
"Really?So you mean pati sina Trish at Tyler- -"
"That's right.",maagap na sagot ni Xander."Oh my God!Bakit hindi ako na- inform agad?",gulat pa rin talaga ito pero mukhang hindi naman galit.
"Don't worry.I'll explain everything to you later.",malambing na sagot ng lalaki."Okay.Marami kang kailangang ikwento sa akin,hmmmm."
Naramdaman ni Troy ang na napaigtad si Kali sa narinig.Binigyan niya ito ng nakauunawang tingin.Ngumiti ito pagdaka at nang muli siyang bumaling sa mga kaharap ay nahuli niyang nakatitig sa kanila si Xander habang salubong ang mga kilay.
"I still couldn't believe everything that's happening,honey.I mean,what a small world!"
"You're right, ate Seana.Maliit lang talaga ang mundo.Maraming bagay na hindi mo inaakala ang nagaganap.Maraming di inaasahang pangyayari ang gugulat sa'yo bigla.",makahulugang sagot naman niya.
Tumawa si Seana sa sinabi niya."Kaya naman pala nainlove sayo itong kapatid ko eh may dugong makata ka."Siya naman ang natawa.
"Alam mo hon,medyo worried ako noon dito kay Kali,medyo aloof kasi yan.Pero ngayon panatag na ako kasi magkakilala na pala kayo.Kahit papa'no ay hindi ka na mahihirapang pakitunguhan siya.",binalingan ni Seana ang nobyo nito.
"Well,my babysis is very sweet kaya lang most of the time she is a snob.",binuntutan nito ng tawa ang sinabi.Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Kali.
Isinubsob nitoa ang mukha sa balikat niya.Kitang- kita niya ang matatalim na sulyap ni Xander sa magkadikit nilang katawan ng dati nitong nobya.
Oo,dati.Dahil ngayon ay siya na ang nagmamay- ari sa dalaga.At hinding- hindi na niya hahayaang maagaw pa ito sa kanya ng kahit na sino.Kaya sana nga ay maikasal na si Xander at Seana sa lalong madaling panahon.Saka palang siya lubos na mapapanatag.
Dahil ngayong nagkita muli ito at ang dalaga ay may takot siyang biglang naramdaman.Alamniyang magiging banta ito sa relasyon nila ng nobya.
Dahil aminin man niya o hindi ay ramdam niya ang spark na namamagitan pa rin sa mga ito.
Mahigpit niyang niyakap ang nobya para makumbinsi ang sariling hindi siya iiwan nito.Nagtatakang napatingala sa kanya si Kali.And then,he kissed her in front of Xander and Seana.He was so glad she didn't stop him but rather kissed him back .
TUMANGGI sina Kali at Troy na sumabay mag- lunch kina Seana.Maliban sa umiiwas ay busog din sila dahil kumain sila kanina ng binata.
Ramdam niya ang mainit na mga matang nakasunod sa kanila kanina habang papaakyat sila ng nobyo niya.Nagpaalam si Troy sa ate niya na sasamahan siya sa kanyang kwarto.
Nagulat talaga siya nang bigla siyang halikan nito sa harap nina Xander at Seana.Pero ayaw niyang mapahiya ang lalaki kaya tinugon na rin niya ang halik nito.
Isa pa,may karapatan naman itong gawin ang bagay na iyon dahil boyfriend naman niya ito.And yes,she meant it.She wanted to give them a chance.
Hindi naman mahirap mahalin ito at higit sa lahat,kilalang-kilala na nila ang isa't- isa.
"Kali?,"untag ni Troy nang mapansing tila natahimik siya.Magkaharap sila habang nakaupo sa kama niya.
Nagtatanong ang mga matang binalingan niya ang nobyo."I want to know kung anong naramdaman mo nang makaharap mo siya kanina.And please,be honest with your answer.",seryosong wika ni Troy na ikinagulat niya.
BINABASA MO ANG
You're Still My Man(Completed)
Roman d'amourPagkatapos ng mahabang panahon na magkalayo si Kali at ang ate niya,she made a promise to herself na babawi siya rito sa kanilang muling pagsasama. Pero hindi niya inasahan na sa pagbabalik ni Seana ay muling magbabalik din ang alaala ng nakaraan. N...