Chapter Nineteen

89 2 0
                                    


NAGMAMADALI
si Kali habang papunta sa condo unit ni Troy. She was so worried about him. Kanina niya pa ito tinatawagan pero pinatay nito ang cellphone.

Hindi naman ganoon ang nobyo niya lalo na pagdating sa kanya. Kapag hindi nito nasasagot ang tawag niya eh automatic na magrereturn call ito kaagad. Naisip niya na baka may mabigat itong problema at kailangan niya itong damayan.

Pero habang nasa elevator ay biglang nakaramdam ng kakaibang kaba si Kali and she didn't like the feeling. Meron siyang sariling susi ng unit nito kaya kahit wala roon ang binata ay makakapasok pa rin siya sa loob.

Maingat niyang binuksan at isinara ang pinto. Nang mag-angat siya ng tingin ay napakunot- noo niya dahil sa magulong ayos na bumungad sa kanya.

Tila binagyo ang unit ni Troy. At nang mapadako ang paningin niya sa nakabukas na pintuan ng kwarto ng binata ay natigagal siya sa nakita. Ang fiance niya ay mahimbing na natutulog sa kama at may katabing babae!

At hindi lang basta katabi dahil magkayakap ang dalawa. And she was so sure they were both naked under the sheets.

Nag- init ang pisngi ni Kali sa tanawing nasaksihan. Pero mas uminit ang ulo niya.Nakaramdam siya ng matinding galit.Hindi makapaniwala na nagawa siyang pagtaksilan ni Troy.

Ganunpaman ay pinili niyang wag lumikha ng ingay. Ayaw niyang maistorbo ang mga ito sa anumang ginagawa, o ginawa kasi halatang tapos na, pero sa pag- atras niya ay natabig niya ang isa sa mga vase na naroon.

Natutop niya ang bibig sa pagkataranta dahil lumikha iyon ng ingay. Ang gulat at nag- aaalang mukha ni Troy ang tumambad sa kanya, but she was more shocked upon seeing the face of the woman beside him- si Anastacia Ylagan!

Bakas pa rin ang pagkalito sa mukha ni Troy habang si Stacey ay hindi magkandatuto sa pagtatakip sa kahubdan nito. Nagbabaga ang mga mata ni Kali nang balingan ang babae at sa pagtataka niya ay nahihiyang yumuko lang ito.

Nasaan na ang malditang babaeng madalas niya makaaway noon? Bakit tila isa ito maamong tupa ngayon?

Muli niyang tinapunan ng matalim na tingin ang dalawa bago tumalikod at tinungo ang pinto pero hinabol siya ng nobyo. Mabilis itong nagsuot ng boxer.

"Kali, wait!" Bago siya tuluyang makalabas ng unit nito ay nahagip ng nobyo ang braso niya. Agad niyang tinabig ang kamay nito.

"Don't you dare touch me!" tila nadidiring wika niya at nagpasyang harapin ito. "Let me explain.."mahinahong saad ng binata.

"No thanks, Troy. I can't believe this!Ikaw ang huling taong ine- expect ko na gagawa ng ganitong-", hindi mabanggit ni Kali ang salitang nasa isip.

"You're disgusting, alam mo ba yun? I thought you're different pero mas masahol ka pa pala-" natigil siya sa pagsasalita nang biglang umimik ang nobyo.

"Kanino, kay Xander? Iyon ang sasabihin mo diba?", medyo napataas ang boses nito.

Hindi nakasagot ang dalaga. Sa buong pagsasama nila ng binata ay ngayon lang siya nito pinagtaasan ng boses.

"You know what, Kali, it's all your fault. Nangyari lahat ng ito dahil sa kagagawan mo." mapait na wika ni Troy.

"Now it's my fault? Wow!", she said sarcastically and laughed.

"Why, babe, dahil ba hindi ko kayang punan ang pangangailangan mo? Kating- kati ka na ba at hindi ka na nakapaghintay na maikasal tayo kaya nagpakamot ka babaeng yan?!" galit na dinuro niya si Stacey na sumunod pala sa kanila. "Fuck you!", galit na mura niya sa katipan.

Sa buong buhay niya ay ngayon lamang siya nakapagsalita ng ganoon. Masyadong matindi ang poot na nararamdaman niya.

Nakakasama naman talaga ng loob si Troy. Matapos niya itong piliin against Xander eh ito pa ang igaganti nito sa kanya. Sobrang laki ng tiwala niya sa binata pero biglang naglaho iyon at napalitan ng pagkadismaya.

You're Still My Man(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon