KINABUKASAN...
*ROYCE DYLAN DELA FUENTE POV
"Good morning mom! Where's dad?"
Naabutan ko si mommy na kumakain ng almusal kasama si Dielo.
"Kaaalis lang ng daddy mo anak. Marami daw syang aasikasuhin para sa acquiantance party ng school nyo nextweek." - si mommy
"Okay mom! Aalis na rin ako." - kiniss ko sya sa pisngi
"Hindi ka na ba mag-aalmusal? Maaga pa naman.. As far as i've remember 10am yung start ng class mo for T-TH and 7:10 pa lang naman" - si mommy na tumingin sa watch niya para makita ang oras
"May gagawin kasi akong importante mom. Sa school na lang ako kakain." - sabi ko habang nakatayo sa gilid niya
"Ganyan ba yan kaimportante na kailangan mo magskip ng breakfast?"
"Medyo mom. Pero hindi naman ako magsskip ng breakfast. I promise kakain ako sa school." - sabi ko sa kanya sabay taas ng right hand ko para magsilbing nanunumpa ako sa kanya
"Kuya ang gwapo natin ngayon ah?" - si Dielo na nakangiti
"Ngayon lang ba ako gwapo?" - sabi ko sa kanya na nakangiti at hinihintay na baguhin ang sinabi nya
"Syempre hindi.. gwapo ka rin kahapon!" - saka siya tumawa
"Tss! Boy witty!" - saka ko ginulo yung buhok nya
"Promise me.. kakain ka don anak ha? Alam mo naman na importante ang breakfast to start your day."
"Yes mom. I will." - i hugged her bago tumalikod
Sumakay na ako ng kotse ko papuntang school. Malapit lang naman ang bahay namin sa school. In 15 minutes makakarating na ako dun.
Pagdating sa school agad ko namang pinark yung sasakyan sa space ko sa parking.
Naglalakad na ako mula sa parking lot. Wala pa masyadong tao pero may mangilan-ngilan na ring mga students ako na nakakasalubong. Syempre hindi na naman maiwasang tumingin-tingin sila sakin. Sana'y na ako kasi alam ko sa sarili ko na gwapo ako. HAHA! Wala pang may tumatawag na pangit sakin dahil wala silang ebidensya. HAHA! Okay lang naman sakin na tumingin sila basta huwag lang nila akong hahawakan kasi yun yung pinaka-hate ko. Nakikita ko pa yung ibang nagbubulongan pero hindi ko rin marinig kasi naka-earphones ako. Gustong-gusto ko kasing sinisimulan ang araw ko ng pakikinig ng musika. Musika ang isa sa bestfriend ko. Uumpisahan ko sa musika yung araw ko at tatapusin ko rin to na nakikinig ng mga kanta sa kwarto ko bago matulog. Kaya ko na walang lovelife pero hindi ko ata kakayanin na walang musika sa buhay ko.
Saka ko lang tinanggal ang earphones sa tenga ko nong pumasok na ako sa isang hall..
"Oh! There you are Mr. Dela Fuente!" - sabi ng babaeng nakaupo sa maliit na stage doon sa loob ng hall
Isa ring siyang student because she's also wearing a school uniform.
"Good morning.." - sabi ko na naglalakad papalapit sa kanya
"Have a seat!" - offer nya sakin ng upuan sa harap niya nong makalapit na ako
"Thank you! I was advised by Dean Dela Fuente to come here for an audition." - sabi ko na umupo sa upuan na sinenyas niya
"Kagagaling lang dito ng dad mo kasi humingi ako sa kanya ng videos mo." - sabi niya na parang may bina-browse sa phone niya
"Videos for what?" - takang sabi ko