Ava's birthday Party 2

113 7 5
                                    

"I know that we are all starving here. Dinner is ready! Eat well everyone!"

Habang sila busy na sa dinner, ako naman hindi pa rin tumitigil sa paghahanap kay Ms. Highblood.

Asan ka na ba Ms. Highblood? Umuwi ka na ba?

Ayokong mag-isip na magkasama sila ni Ryan ngayon. Kahit si Ryan ay hindi ko rin mahagilap.

"Hey bro!" - si Quiven na nakasalubong ko pero hindi ko halos napansin

"Bro, nakita mo ba si Laice?"

"Yeah! I saw her na lumabas ng gate." - sabi ni Quiven na mukhang nagtataka sa pagkabalisa ko

"Sinong kasama niya? May kasama ba siya?"

"She's alone. Why? What's wrong? Nag-away ba kayo?" - takang tanong na naman niya ulit

"Thanks bro!" - saka ko na siya tinalikuran at umalis

"Hey--"

Narinig ko pa siyang nagsalita pero deretso na ako sa lakad takbo na ginagawa ko papuntang labasan ng gate.

Bakit siya lumabas? Mag-isa? Ano namang gagawin niya sa labas ng siya lang? Pero kahit papano nabawasan ang kaba ko ng malaman kong mag-isa lang siyang umalis.

Pagkalabas ko ng gate ay agad ko siyang nakitang nakatayo sa di kalayuan. Tumakbo ako papunta sa kanya. Hanggang sa nasa harap na niya ako.

She looks scared.

"Dylan!"

O__O

Niyakap niya ako.

Pakiramdam ko tumigil ako sa paghinga nong maramdaman ko ang mga kamay niyang nakayakap sakin.

*Lunok!

Bakit nanghihina ako? Diba dapat pagalitan ko siya dahil kinausap na naman niya si Ryan. Wala kasi siyang kadala-dala sa mga nangyari sa kanya.

"M-Ms. Highblood w-what's wrong? Bakit nandito ka sa labas?" - tanong ko sa kanya habang magkayakap pa rin kami

"Natatakot ako Dylan."

Parang musika sa tenga ko ang boses niya. Hindi ito yung boses niya pag hina-highblood siya. Ibang-iba yung ngayon. Sobrang lambing.

"I heard you and Ryan talked earlier? Diba sabi ko sa'yo layuan mo siya Ms. Highblood?" - sabi ko na parang nahihirapang huminga dahil hindi pa rin siya kumakalas sa pagkakayakap namin

"Nilalayuan ko siya. It's just that he's the one approaching me."

"Anong nangyari kanina? May ginawa ba siya sa'yo?" - magkayakap pa rin kami

"He warned me Dylan." - humihikbing sabi niya

Now she's crying.

"Warned you what?" - takang tanong ko

"That he will not stop. Na hindi pa siya tapos. What did I do para mapasok sa ganitong sitwasyon Dylan?" - kumalas siya sa pagyakap sakin at inihilamos ang mukha niya sa dalawang palad niya.

Iyak siya ng iyak!

Bigla akong na-guilty dahil alam kong nadamay lang siya sa away namin ni Ryan. Knowing Ryan, makikipag-compete sya lalo na sakin. He's trying to steal Ms. Highblood because I am protecting her. All he know is I have something for Ms. Highblood.

"I'll protect you Ms. Highblood. Can you please stop crying? I don't like it."

Dahan-dahan pa siyang nag-angat ng tingin sakin na parang nagulat sa sinabi ko.

This I Promise You!Where stories live. Discover now