Chapter 28

131 3 2
                                    

*Laice POV

"Pag sumunod ka, akin ka."

Natigilan pa ako sa pagsunod sa kanya ng marinig ko yun.

Sinundan ko na lang siya ng tingin nong dere-deretso siyang naglakad palayo.

Tss! Suplado! Hmmp!

At nang hindi ko na siya matanaw ay nagpatuloy na ko sa paglalakad papuntang waiting shed sa labas ng school.

Nakasimangot pa akong umupo don at nag-abang ng taxi na masasakyan.

Akala ko ba ihahatid niya ako? Matapos niya akong ayain manood ng laro niya? Iiwan niya rin pala ako dito. Nakakainis! Ang hirap pa naman sumakay dito pag-gabi na.

15 mins. na ang nakakalipas pero wala pa ring taxi na dumadaan. Haist!

Beeeeeeeep!

"Ai kabayo!" - muntik na akong mapatalon sa gulat

Sinong ba'tong OA bumusina? Tss!

Unti-unti pa akong lumingon sa sasakyang huminto sa gilid ko banda. At dahan-dahan pang bumaba yung bintana ng sasakyan.

"Ms. Highblood tara naaaa!" - sabay ngisi

Si Dylan.

Anlakas talaga ng mood swing ng lalaking to. Kanina galit tapos nag-walk out tapos ngayon naman umaasta siya na parang walang nangyari? Kaltukan ko kaya to ng isa? Tss!

"Ayoko!" - pagsusungit ko

"Sigurado ka?" - nakangisi pa rin sya

Abaaaaa! Hindi man lang ako pinilit?

"Ms. Highblood sigurado ka bang di ka sasabay? Kasi aalis na ako." - sabi niya sabay ngisi

"Bahala ka. Umalis ka kung gusto mo." - pagsusungit ko pa rin sa kanya

Narinig ko na lang na bumukas yong pinto ng kotse niya.

"Papasok ka ng kotse o bubuhatin kita?" - sabi niya habang naglalakad papunta sakin

"Ewan ko sa'yo."

"Okay. Sorry na kung iniwan kita kanina don. Atsaka natagalan rin kasi ako dahil nagbihis pa ako." - malambing niyang sabi.

Hindi ko pa rin sya pinapansin.

"Ihahatid na kita pauwi Ms. Highblood. Baka nag-aalala na si Ate Jing kasi di ka pa nakakauwi."

"Fine!" - sabi ko sabay tayo at deretsong pumunta sa kotse niya

Kusa ko nang binuksan ang pinto ng kotse niya at umupo sa frontseat. Ramdam kong natigilan siya at mga ilang segundo pa siyang nakatayo sa side ko bago ko tuluyang isara ang pinto. Umikot pa siya sa kabilang side at pumasok na rin sa loob. Pinastart na rin naman niya agad yung sasakyan niya.

"S-Sorry Ms. Highblood" - sabi niya habang nililingon ako

"Sa daan ka tumingin. Huwag sakin. Mamaya mabangga pa tayo eh." - pagsusungit ko sa kanya

"O-Okay.."

"Drop mo na lang ako sa mall Dylan. May pinapabili si Ate eh." - sabi ko habang nakatingin lang sa daan

"Samahan na kita." - mabilis niyang sagot

"Huwag na. Mabilis lang naman ako eh." - pagtutol ko sa sagot niya

"Gabi na Ms. Highblood. Delikado pag mag-isa ka lang uuwi."

"Kaya ko na ang sarili ko."

This I Promise You!Where stories live. Discover now