Chapter 12

68 5 4
                                    

*DYLAN POV

Pagkatapos ng last subject namin ay pumunta muna ako sa canteen para bumili ng tubig. At ngayon naglalakad na ako papunta sa music hall.

Excited na ako para bukas! First time kong sumali sa mga ganitong activities ng school na related sa music.

Tutunggain ko na sana yung bottled water na binili ko ng mapansin yung babaeng makakasalubong ko.

Ms. Highblood? Anyare? Bakit nakatungo lang siya habang naglalakad? Tss! Pag talaga nadapa ka diyan sa ginagawa mo!

Nang halos magkalapit na kami don ko lang nakitang--

T-Teka! Umiiyak ba siya?

Hindi niya ako nakita kaya nilagpasan niya lang ako. Nilingon ko pa ulit siya ng may pagtataka. Nakayuko pa rin siya habang naglalakad. Hindi na ako nakapagpigil at nilapitan ko siya.

"T-Teka wait Ms. Highblood! What's wrong?" - sabi ko nong humarang ako sa harap niya

"Wala!" - sabi niya na nakayuko pa rin

"Anong wala? So ano yan? Trip mo lang umiyak?" - sabi ko sa kanya

"Wala nga to! Okay lang ako!" - walang emosyong sabi niya

Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at dahan-dahang inangat yung mukha niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng salubungin niya yung mga tingin ko sa kanya.

Wierd lang!

"What's wrong? Tell me.."

"Kayo! Kayong mga lalaki! Pare-pareho lang kayong lahat!"

Eeh? So lalaki yung iniiyakan niya?

"A-Ano ba kasi ang nangyari Ms. Highblood?" - sabi ko

"Ilayo mo muna ako dito Dylan. Please?" - pagmamakaawa niya

Hindi ko kinakaya ang nakikitang lungkot sa mga mata niya.

Ano ba kasi ang nangyari Ms. Highblood?

"P-Pero may practice pa tayo diba?"

Tumango lang siya sa sinabi ko.

"O-Okay lang. Pakisabi kay Joana hindi ako makakapag-practice ngayon. Pakisabi huwag siyang mag-alala at alam ko naman na yung mga part ko bukas. Sige mauna na ako." - sabi niya atsaka nagpatuloy sa paglalakad

Pinigilan ko siya at hinawakan sa braso niya.

"Sasamahan kita!"

Nilingon niya ako at saka pilit na ngumiti.

"Tara! Saan mo gustong pumunta?" - sabi ko saka inalis yung kamay ko na nasa braso niya

"Kahit saan basta yung malayo dito. Tara!" - sabi niya

Naglakad na kami papunta sa parking lot. At ng makasakay na kami sa kotse ko ay agad ko ng pinaandar yun.

Habang nasa biyahe kami ay walang may nagsasalita. Si Ms. Highblood nakatingin lang sa labas ng bintana.

Heto na naman yung feeling na hindi ko alam kung pano siya kakausapin pag kaming dalawa lang.

Hanggang sa makarating kami sa isang stop over na coffee shop.

There's this great overlooking view, a fresh breeze of air and the breathtaking view of mountain cliff. For me it's the perfect place to sit down and relax while you drink your coffee. I think it's the great spot to chill and a place to unwind. Of course with good food and drinks and a remarkable place like this.

This I Promise You!Where stories live. Discover now