Matapos namin kumain ni Dylan ay dumeretso na kami kaagad sa loob ng sinehan para sa 6:30 pm na showing ng movie.
Hindi ko alam kung nakauwi na ba sila Markie at Ava. Nasa kay Dylan pa rin kasi yung phone ko, ayaw niyang isuli. Tapos yung phone niya kanina pa nagriring pero di niya sinasagot. Si Ava daw yung tumatawag. Ewan ko ba kung anong trip niya ngayon. Tss!
Nakaupo na kami ngayon sa assigned seat namin. Si Dylan sa pinakadulo tapos ako next sa kanya. Yung apat na upuan na next sakin ay bakante pa.
Hanggang sa unti-unti ng napupuno yung sinehan dahil malapit ng magstart yung movie.
"Dylan.." - sabi ko sabay tingin sa kanya
"Bakit Ms. Highblood?" - sabi niya tsaka ako nilingon
"Akin na yung phone ko." - saka ko pa nilahad yung kamay ko
"I'll give it back after the movie." - seryosong sabi niya
"At bakit?" - masungit na sabi ko
"Ayoko lang na nahahati yung attention mo. Mag-focus ka sa movie." - seryoso pa ring sabi niya na nakatingin sa malaking screen
"Etetext ko nga kasi si Markie. Para atleast alam nila kung nasan tayo." - pagpapaliwanag ko sa kanya
"Kaya ko nga kinuha yung phone mo para walang makaisturbo satin tapos sasabihin mo sa kanila kung nasan tayo? Hindi.. hindi ko to babalik hangga't hindi natatapos yung movie." - seryoso pa rin siya
Hindi ko talaga siya maintindihan. Ano bang ipinaglalaban niya?
Hanggang sa dumating na yung mga taong nag-fill-in don sa mga bakanteng upuan sa tabi ko. At puro silang lahat lalaki. Mukhang magkakabarkada.
Napalingon pa ako sa lalaking umupo sa tabi ko. Ngumiti siya.
"Hi.."
"H-Hello.." - nahihiyang sabi ko
"Mag-isa ka lang Miss?"
"Am I invisible bro? Tss!" - umiling-iling na sabi ni Dylan
"Ow! Magkakilala pala kayo. Akala ko kasi hindi eh." - tumawa pa siya
Ngumiti lang ako sa kanya. At tumahimik na rin siya. Hanggang sa nagstart na yung movie.
"Ms. Highblood palit nga tayo ng upuan." - bulong niya sakin
"Bakit? Ayaw mo ba sa pwesto mo?" - inosenting sabi ko
"Basta. Palit na lang tayo. Dito ka na sa pwesto ko."
"Huwag na. Okay na ako dito eh." - sabi ko habang yung mata ko naka-focus na sa movie
"Sige na. Please."
"Huwag na nga." - inis na sabi ko
"So dito ka mag-lean sa side ko Ms. Highblood. Kanina pa ako nababadtrip diyan sa katabi mo eh." - inis niyang sabi
Kumunot pa yung noo ko sa sinabi niya. Dahan-dahan pa akong tumingin sa katabi ko.
Tahimik naman yung katabi ko ah? Naka-focus naman siya sa movie. Anong problema niya?
"Bakit? Wala naman siyang ginagawa ah?" - takang sabi ko sa kanya
"Kanina pa siya tingin ng tingin sa'yo tapos don ka pa sa side niya naka-lean." - supladong sabi niya
"So anong gusto mong gawin ko?" - inis na rin na sabi ko
"Bahala ka Ms. Highblood." - pagsusuplado niya