Chapter 9

91 5 3
                                    

*Dylan POV

Pagkatapos bumisita ni Abby at Quiven sa clinic ay pumunta na kami sa music hall para mag practice. Pinauna na rin naming umuwi sina Quiven at Abby.

"Laice are you sure na kaya mong sumali sa practice? We can cancel this para makapagpahinga ka." - si Joanna na nag-aalala kay Laice

"Okay lang ako Joanna. Ayoko ng masayang ulit yung practice natin dahil sa kulang tayo." - pag mamatigas pa ni Laice

"Okay good. Sabihan mo lang ako kung hindi mo na kaya ha?" - si Joanna

Tumango naman si Laice sa kanya. At nag-umpisa na kaming magpractice. Yung "Bring me to life na si Laice yung kakanta"

Nagsimula ng tumipa ng keyboard si George para sa intro. Hanggang sa umalingawngaw na yung boses ni Ms. Highblood. At saka ko naman sinimulan ng hampasin yung mga parte ng drums.

Napatingin ako kay Laice habang kumakanta siya. Nakahawak siya sa noo niya.  Masyadong mataas tong kantang to at kung sumasakit man yung ulo niya ay mas lalo lang sasakit kung pipilitin niya abutin yung kanta.

Dumaan ang apat na rounds at naisipan ni Joanna na ipag-break muna kami.

"Okay guys! 20 minutes break." - si Joanna

Agad namang nagsipagtayuan yung mga kasama namin at lumabas para bumili sa pantry.

"Stay here! Ibibili kita ng merienda." - si Marc na tinap yung ulo ni Ms. Highblood

Sinundan ko pa ng tingin si Marc hanggang sa makalabas ito ng pinto.

At dalawa na naman kami ni Ms. Highblood ang naiwan dito sa loob ng hall. Nakaupo lang siya habang yung ulo niya nakahiga don sa desk ng upuan. Ayoko siyang kausapin at baka highbloodin na naman siya.

Bigla siyang gumalaw. Ibinangon niya yung sarili sa pagkakahiga sa desk at dahan-dahang tumayo. Pinanood ko lang siya pero nakatatlong hakbang pa lang nang masapo niya ang kanyang ulo. Humakbang pa ulit siya at don na nawala yung balanse niya. Napatakbo pa ako para masalo siya bago pa siya tuluyang bumagsak sa sahig.

Salamat naman at nasalo ko siya! Kinabahan ako don ah. Akala ko di ko na siya maaabutan. Haist! Pinag-aalala ako ng babaeng to!

Ano na naman daw?

Gago ka ba? Sabi mo pinag-alala ka ni Ms. Highblood! Sige itanggi mo na naman ulit! Ano? Ha?

Syempre mag-aalala naman talaga ako kasi kaklase ko siya! Diba?

"Anong iniisip mo?"

Nasa posisyon pa rin kami ng pagkaka-salo ko sa kanya. Yung kanang kamay ko nakayakap sa likod niya at yung kaliwa naman nakahawak sa kaliwang braso niya.

"Ha? Anong iniisip? Wala akong iniisip no!" - sabi ko pa sabay alalay sa kanya paupo

"Ako meron eh!" - seryosong sabi niya

"Ikaw pala may iniisip eh tapos ako pa tatanungin mo diyan!" - sabi ko sabay upo sa tabi niya

"Pangalawang beses mo na akong nasalo Mr. Dela Fuente. Sa tingin mo anong ibig sabihin non?" - seryoso pa ring sabi niya

"Walang ibig sabihin yung mga yun. Nagkataon lang kanina na ako yung pinakamalapit sa'yo nong nangyari yun sa pantry. Tapos ngayon naman dahil dalawa lang tayo dito syempre ako lang rin naman ang tutulong sa'yo." - pagpapaliwanag ko sa kanya

"Ah okay!" - ngingisi-ngising sabi niya

Anong inginingisi-ngisi ng sakiting babaeng to? Tss! Baliw! Highblood! Ang tigas ng ulo!

This I Promise You!Where stories live. Discover now