Chapter 5

105 6 2
                                    

Magkasunod lang yung sasakyan namin ni Marc kaya sabay rin kaming nakarating sa mall.

Napag-usapan naming sa Pizza house kumain dahil nagki-crave yung dalawang babae ng pizza. Aarte pa ba kami? Syempre as always babae pa rin masusunod. Pero hindi to date ha? Baka isipin nyo ka date ko si Ava tapos ka date rin ni Marc si Laice.

Maling-mali kayo don sa iniisip niyo! Bakit ba Dylan? Walang namang may nag-iisip na date to! Nasisiraan ka na ba ng ulo?

Pagdating namin sa pizza house agad kaming naghanap ng pang apatang upuan. At nang may makita na kami ay agad na kaming umorder.

Magkatabi kami ni Ava sa upuan at magkatabi rin sina Laice at Marc. Kaharap ko naman si Laice at kaharap naman ni Marc si Ava.

"Anong flavor sa'yo Dylan?" - si Ava na ka-share ko sa menu book

"Hawaian na lang yung sakin." - sabi ko

"Chicken Alfredo Pizza yung sakin" - si Ava na tumingin kila Laice at Marc na naghihintay ng napili nila

"Anong sa'yo Laice?" - si Marc na tumingin muna sa menu sabay tingin kay Laice

"Hawaian yung favorite ko. Yun na lang sakin." - sabi niya sabay tingin kay Marc

Pareho kami ng favorite? Or gaya-gaya lang talaga siya? Bakit? ikaw lang ba may karapatang maging favorite ang hawaian pizza? Umpog mo kaya sarili mo para matauhan ka?

"Osige! Kumain ka ng marami ha? Nangangayayat ka na." - si Marc na nakatingin pa rin kay Laice

"Eh ikaw anong gusto mo?" - si Laice

"Ikaw!" - sabi ni Marc na nakangiting nakatingin kay Laice

"Ayuuuun! Diyan ka magaling Marc eh no? Sige suyuin mo pa si Laice!" - tatawa-tawang sabi ni Ava

Tss! Baduy neto!

"Sabi ko ano hindi sino.. tss!" - tumatawang sabi ni Laice

Tumatawa pala to? Kala ko lagi lang tong highblood at badtrip eh! Cute niya! Huh? Ano daw sabi ko? Tss! Erase! Eraaaaaase!

"Sorry.. sige chicken buffalo pizza na lang yung sakin." - nakangiting sabi ni Marc na parang kinikilig

Tss! Ang panget nito kiligin!

Nagtawag na ako ng waiter at inorder na ang mga gusto namin. After 15 minutes dumating na rin agad yung mga inorder namin. At nagsimula na kaming kumain.

Kwentohan lang kami ng kwentohan about don sa practice namin kanina.

"Wait lang guys ha? May bibilhin lang ako sa labas. Balik ako agad dito." - si Marc na tumayo na

"Sige dito lang kami. Kumakain pa naman si Dylan at Laice" - sabi ni Ava na nakatingala sa nakatayong si Marc

"Sige-sige! Mabilis lang ako guys." - si Marc na tumalikod na at naglakad palabas

Nong umalis si Marc hindi ko maiwasang tingnan ang ginagawa ni Ms. Highblood.

Bakit niya tinatanggal yung pineapple sa pizza? Ang weird nito..

"Guys cr lang ako saglit ah?" - sabay pa kaming napatingin ni Laice sa tumayong si Ava

Tumango lang kaming dalawa sa kanya dahilan para umalis na siya sa upuan niya.

Tiningnan ko ulit si Laice na busy pa rin sa pagtanggal ng pineapple sa pizza niya.

"Anong ginagawa mo Ms. Highblood? Bakit di mo kinakain yung mga pineapple?" - tanong ko nong hindi ko na matiis manahimik

This I Promise You!Where stories live. Discover now