Ava's Birthday Party 4

96 6 2
                                    

"Stay here Ms. Highblood." - sabi ko nang makitang inakay niya si Markie

Sabay-sabay pa silang lahat na lumingon sakin.

Sinalubong ko ang mga nagtatakang tingin ni Ms. Highblood sakin.

"Ako na maghahatid sa kanya sa taas." - sabi ko habang magkasalubong ang mga tingin namin

"Ako na Dylan. Dito ka na lang. Tuloy niyo na ang laro niyo guys. Babalik din ako kaagad pagkatapos ko siyang ihatid sa guest room." - Laice

"Ms. Highblood ako na. Mabigat siya, di mo kakayaning akayin siya papunta sa taas."

"Okay lang bro, ayoko maging pabigat kay Laice kaya siya yung aakayin ko papunta sa taas." - ngumisi pa siya matapos sabihin yun

"Lasing ka na nga bro! Hindi magandang tingnan na babae ang maghahatid sa isang lasing na lalaki papunta sa isang kwarto." - serysong sabi ko na nakatingin sa kanya

"Wala akong nakikitang problema don bro." - si Markie

"Ms. Highblood maupo ka na. Ako na maghahatid sa kanya sa taas." - sabi ko na kinuha si Markie sa kanyang pagkaka-akay

"Bro, si Laice ang gusto kong maghatid sakin sa kwarto." - si Markie

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at inakay ko na siya.

"Hahatid ko na muna sa guest room niyo tong pinsan mo Ava." - sabi ko na tumingin pa kay Ava bago tumalikod

"Laice..." - sambit ni Markie sa pangalan ni Ms. Highblood

"Sigurado kang kaya mo na siyang iakyat sa taas Dylan?" - si Ava

"Tulungan na kaya kita bro?" - si Liam

Lumingon pa ako bago sumagot.

"I'm fine guys. Kaya ko na." - sabi ko saka na nag-umpisang maglakad

Habang naglalakad na kami papunta sa loob ng bahay ay naramdaman ko na ang bigat ni Markie.

Bakit ba kasi nagpakalasing ng ganito tong lalaking to?

May kinalaman kaya to sa nararamdaman niya kay Ms. Highblood?

Hanggang sa makarating na kami sa guest room nila Ava. Buti na lang tinuro ng katulong nila kung saan yung guest room kasi first time ko rin makapasok ng bahay nila Ava.

Pabagsak pang humiga si Markie sa kama. Bigla siyang tumingin sakin habang yung mata niya ay parang pipikit na sa sobrang lasing.

"Dylan, can you please call Laice?" - sabi niya sa malumanay na boses

O__O

"What for?" - seryosong sabi ko

"Gusto ko siyang makausap. Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang mayakap. Gusto ko siya mahalika---"

"Tumigil ka na Markie! Ilang beses nang sinabi ni Laice sa'yo na hanggang kaibigan lang ang maibibigay niya sa'yo." - pigil galit na sabi ko

"Hindi yan totoo. Mahal niya ako. Nasaktan ko lang siya kaya siya gumaganti." - malumanay pa rin na sabi niya habang nakatingala sa kisame ng kwarto

"You should accept the fact that she's not inlove with you Markie. Just let her go and move on." - deretsong sabi ko

"I can't. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayaning mapunta siya sa iba. Alam kong may umaaligid sa kanya ngayon dahil hindi siya mahirap mahalin." - Markie

This I Promise You!Where stories live. Discover now