Abby's POV
Katatapos lang namin ni Quiven mag report sa Economics na subject namin. Successful naman at lahat ng tanong ng prof at mga kaklase namin ay walang kahirap-hirap naming nasagot. Ngayon naman ay nagrereport mag-isa sa gitna ng klase si Dylan.
Asan ka na ba beshie? Hindi ka naman nale-late ah? Ayokong isipin na may nangyaring kung ano sa kanya. Pero kasi hindi niya sinasagot yung mga tawag ko. Haist! Sana man lang kasi nag-iinform man lang siya kung aabsent siya para naman hindi ako nag-aalala. Haaaay!
"Very good Mr. Dela Fuente! Good job! You have covered everything about Macroeconomics and microeconomics!" - sabi ni Ms. Flores na tuwang-tuwa matapos magreport ni Dylan
"Thank you ma'am!" - sabi ni Dylan sabay balik sa upuan niya
"By the way what happened to your partner na si Ms. Monteverde? She will have no grade for this dahil mag-isa kang nagreport" - sabi ni Ms. Flores na nakakunot ang noo
"To be honest ma'am siya po yung gumawa talaga ng reporting namin. Na-late po ako kahapon sa venue kung saan namin gagawin tong report. Pagdating ko po konting-konti na lang matatapos niya na. Kung may naitulong man po ako sa kanya yun ay yung sa last part na lang. Naging maganda po ang kalabasan ng pag report ko dahil sa taglay na galing ni Laice sa paggawa, pagresearch at pag-explain ng topic na naka-assign samin. Hope you'll still consider her Ms. Flores. Mas deserving po siya makakuha ng magandang grades para sa reporting na'to. The reason that she's not here is because... she is sick!" - si Dylan
Halaaaa! Na-touch ako sa mahabang sinabi ni Dylan. Teka wait! She's sick? May sakit si Laice? Kailan pa? Bakit di ko alam? Okay naman siya kahapon ah? Binatukan pa nga ako non eh!
"Thank you for being honest then Mr. Dela Fuente. You may now take your seat." - si Ms. Flores
Agad namang umupo si Dylan sa upuan niya. Nilingon ko siya pero nakatingin lang siya sa bintana.
____________________________________Lunch time na at naglalakad ako ngayon papunta sa pantry mag-isa. Ilang beses kong tinatawagan si Laice pero nagri-ring lang at di niya sinasagot.
Kung may sakit siya, may kasama kaya siya sa bahay nila ngayon? Ang alam ko may trabaho yung ate niya buong araw eh? So sino ang mag-aalaga sa kanya? Hindi naman siguro siya iiwan ng ate niya mag-isa don kung may sakit siya. Atsaka anong sakit ba? Bakit alam ni Dylan samantalang ako na beshie niya walang alam! Close ba sila? Parang impossible naman ata yun!
Pagdating sa pantry ay agad na akong umorder ng lunch ko.
Wala ng upuan! Saan ako ngayon nito? Sa lapag? Haist!
"Partner!"
Napalingon pa ako sa table malapit sa pinto ng marinig ang pamilyar na boses na yun.
"Here!" - si Quiven na kinawayan ako na lumapit sa table nila ni Dylan
Naglakad naman ako papunta sa kanila.
Buti na lang!
"Akala ko sa lapag na ako kakain eh!" - sabi ko sabay lapag ng pagkain ko sa mesa at umupo sa tabi ni Quiven
Bale katabi ko si Quiven tapos kaharap namin si Dylan.
"You can always join us pag nakita mo kami dito sa pantry. Lalo na pag lunch time at marami talagang kumakain dito. Alam mo naman na may sarili kaming pwesto dito diba?" - si Quiven na nakatingin sakin
"Okay! Ay nga pala Dylan, pano mo nalamang may sakit si Laice?" - sabi ko na tumingin kay Dylan na busy sa paghiwa ng pagkain niya
Bigla naman siyang nag-angat ng ulo parang tignan ako.