Acquaintance Party 1

107 6 12
                                    

Acquaintance Party!!!

*LAICE POV

Ala una na ng hapon at kadarating ko lang sa school. Remember excuse kaming music team sa lahat ng classes namin today.

Ansaya!

Naglalakad na ako ngayon papunta sa music hall.

Sana makita ko si Abby. May pasok yun ngayon eh! Namimiss ko siya!

Bubuksan ko na sana yung door ng hall ng maramdamang may nakatayo sa likod ko. Dahan-dahan akong lumingon at...

"Dylan! Tss! Tinakot mo naman ako eh! Akala ko kung sino na." - mataray kong sabi

"Hoy Ms. Highblood!" - seryosong sabi niya

"Bakit?"

"May iiikli pa ba yang short mo?" - supladong sabi niya

"Bakit ba? Ano bang problema mo sa suot ko?" - takang tanong ko sa kanya

"Kanina ka pa kaya pinagtitinginan ng mga lalaki don!" - seryosong sabi niya sabay turo sa mga lalaking nakatambay sa dinaanan ko kanina

Di ko napansin yun ah?

"Eh bakit ka galit diyan? Anong bang pake mo?" - pagtataray ko sa kanya

"Ewan ko sa'yo! Diyan ka na nga! Nababadtrip ako sa suot mo!" - galit na sabi niya saka na naunang pumasok sa hall

Tss! Problema non? Sungit-sungit!

Sumunod na rin ako kay Dylan na pumasok sa music hall.

"Oh Laice! Ang sexy natin ngayon ah? Parang gusto ko na rin tuloy manligaw." - pambibiro ni Liam

"Tss!" - iiling-iling na sabi ko

"Oo nga Laice! Sexy mo ngayon ah? First time kong nakita naka-ganyan ka." - si Christian

"Ang ganda at sexy mo Laice! Bagay sa'yo. Diba couz?" - nakangiting sabi ni Ava

"O-Oo naman!" - si Marc na kanina pa nakatingin sakin

Problema ba nila sa suot ko? Black short, black crop top at sneakers na white lang naman yung suot ko ah. Sobra naman ata sila makapuna sakin. Tsk!

Busy lang sila sa paglalagay ng mga designs at abubot sa mga instruments. Lumapit ako sa tabi ni Marc dahil malapit sa kanya yung mga materials.

"Anong maitutulong ko guys?" - sabi ko sabay tingin sa kanila

"Okay lang. Patapos na kami Laice. Atsaka yung mga sexy na katulad mo ay hindi dapat inuutusan." - si Christian

"Tss! Tigilan niyo nga ako. Kanina pa kayo eh." - iiling-iling na sabi ko

"Bakit ba kasi ang sexy mo ngayon Laice?" - si Mia

"Kanina ko pa nga siya tinititigan eh." - si Liam

"Sarap mo titigan Laice. Swear!" - si Christian

"Guys stop it!" - si Dylan

O__O

Natigilan pa kaming lahat at napatingin kay Dylan.

Galit siya? Anong meron?

Bigla na lang siyang tumayo sa upuan niya at naglakad palabas ng hall.

"Anong nangyari don?" - si Mia

"Wait lang guys ha? May kukunin lang ako sa locker." - pagsisinungaling ko pa

This I Promise You!Where stories live. Discover now