*Laice POV
5am pa lang ng umaga eh gising na kami ni ate. Tinulungan ko syang magprepare ng food na dadalhin niya sa teambuilding nila. Ako na yung nagluto ng spaghetti at nagprepare ng sandwich habang sya busy sa pag-iimpake. Overnight lang naman sila sa isang resort pero andaming dala ng ate ko. Ilang ootd rin yung dinala nya para marami daw syang pagpipilian.
"Pano aalis na ako. Maglock ka ng mabuti dito mamayang gabi ha? May ulam na rin akong niluto diyan. Andyan sa ref. Iinit mo na lang pagdating mo mamaya galing school. Okay?" - mga habilin ni ate
"Ikaw rin mag-ingat ka don. Huwag ka masyadong magpapagod don ate ha? Kakagaling mo pa lang sa hospital."
"Opo nay!" - saka pa sya tumawa "sige na mauna na ako at 6:30 na. 7:00 yung alis namin eh. Ingat ka dito ha? Bye."
"Ikaw rin ingat ka don ate."
Nagbeso na kaming dalawa at tinulungan ko na syang ilagay yong mga gamit nya sa sasakyan.
At nang makaalis na sya ay naligo na rin ako at baka maya-maya lang eh dumating na si Dylan. Napatigil pa ako sa pagpasok sa cr at biglang napaisip.
Susunduin nga ba talaga ako ng mukong na yon? Baka pinagtritripan lang ako non kagabe?
Dere-deretso na akong pumasok sa cr at naligo. Matapos maligo ay nagbihis na ako ng uniform. Napatingin pa ako sa wall clock namin at 7:05 pa lang ng umaga. 10am pa yung unang klase ko.
Makapagtimpla nga muna ng kape.
*Beep!
Napatingin pa ako sa phone ko na tumunog.
Baka si ate? Tapos may nakalimutan?
Message:
Dylan..
Good morning. Nasa labas ako ng bahay nyo Ms. Highblood. Gising ka na ba?
Really? Seryoso pala talaga syang susunduin nya ako?
Dali-dali pa akong lumabas para pagbuksan si Dylan. Naabutan ko syang nakatayo sa labas ng gate. Agad ko naman syang pinagbuksan.
"G-Good morning Ms. Highblood." - nakangiting bati nya
"Good morning Dylan. Ang aga mo ah?" - nakangiting bati ko rin sa kanya
"Baka kasi hindi ka pa nag-aalmusal kaya nag-drive thru na ako sa mcdo." - saka nya tinaas ang dala-dala nyang paper bag
"Ano ka ba? Bakit nag-abala ka pang bumili nyan? Magkakape na lang ako." - pagrarason ko sa kanya
Pumasok na ako sa loob. Naramdaman ko namang sumusunod si Dylan sa likod ko.
"Anong magkakape ka lang Ms. Highblood? Anong resistensya makukuha mo sa kape? Alam mo naman kung gaano ka-importante yung breakfast sa atin diba?" - panenermon nya pa habang sumusunod sakin
"Nakakatanggal gutom naman yung pag-inom ng kape ah?" - sabi ko sabay upo don sa upuan sa dining table namin
Sumunod naman sya at nilatag don ang dala niyang paper bag. Nagsimula na syang alisin don sa paper bag yung mga dala nyang pagkain.
"Ms. Highblood no. Kumain ka ng matino at totoong almusal." - sabi niya habang binubuksan yung box
Bumalandra yung rice at chicken with egg na laman ng box nong buksan niya. Naamoy ko kaagad yung chicken kaya parang nagutom na rin ako.
"Here. You need to eat this. Ubusin mo yan. At heto yung inumin mo. Hot choco." - matapos nyang buksan yung box ay nilagay nya yun sa harap ko kasama yung inumin na hot choco