*LAICE POV
Araw ng linggo at kagagaling lang namin ni ate sa simbahan para magsimba. Kumain na kami ng Lunch sa mall bago umuwi. Pagdating sa bahay naging busy naman si ate sa pagbe-bake ng pitong dosenang cupcake para sa friend niyang umorder. Business namin ni ate yung baking. Meron rin kaming maliit na botique store at kami ring dalawa yung nagmamanage. Si ate Fudge yung nagbabantay ng store kasi hindi namin maaasikaso ni ate yun dahil may pasok ako at may trabaho siya.
"Ate ikaw na ba munang bahala dito? Gagawa kasi ako ng report sa bahay ng kaklase ko." - sabi ko na tinutulungan siyang ilagay ang mga nalutong cupcakes sa malaking box
"Siguraduhin mo lang na gagawa talaga kayo ng report at baka magde-date ka lang!" - sabi niya na napatigil sa ginagawa at saka tumingin sakin
"Tss! Gusto mo sama pa kita eh. Tapos ikaw na rin gumawa ng report namin." - sabi ko na tinanggal yung apron na suot ko
"Sige na! sige na! Basta huwag kang magpapa-gabi ha? Sino nga palang kasama mo?" - sabi niya na nakalagay sa bewang ang dalawang kamay
"Si Abby.. kasama namin mga partners namin." - sabi ko pa na inaayos yung mga gamit sa bag ko
"Partners? Sinong mga partners yan? akala ko ba gagawa kayo ng report? Kailangan may partner talaga kayong kasama? At kailan ka pa nagka boyfriend ulit Laice Vela?" - nakapamewang pa rin na sabi niya habang nakatingin sakin
OA talaga ni ate kahit kailan! Buti na lang hindi ako nagmana sa kanya. Tss!
"Ang ibig kong sabihin ate, kasama namin ni Abby yung partner namin sa reporting. Hindi yung kung ano-anong iniisip mo diyan. Tss!" - sabi ko sabay spray ng perfume sa damit ko
"Ayusin mo kasi para hindi nalalagyan ng meaning yung mga sinasabi mo." - sabi niya na kinukuha ang mga luto ng cupcakes sa oven
"Fine! Sige mauna na ako ate at nagtext na si Abby na nasa labas na siya." - sabi ko sabay lapit sa kanya at kiss sa pisngi
"Bakit di mo pinapasok muna si Abby?"
"Huwag na.. mamaya niyan kung ano-ano na naman pagkwentohan niyo. Sige bye!" - sabi ko saka lumabas ng pinto
Paglabas ko ng bahay agad kong nakita si Abby na nakatayo sa labas ng gate.
"Hello beshie!" - si Abby na nagbeso sakin nong lumapit ako sa kanya
"Beshie alam mo ba papunta kila Quiven? Nakalimutan kong magtanong nong address niya nong friday eh!"
"No worries dahil address mo ang binigay ko sa kanya beshie! In 10 minutes papasundo daw tayo dito ng driver ni Quiven." - nakangiting sabi ni Abby
"Bakit mo naman---"
Beep! Beep!
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang may bumusinang kotse at tumigil ito sa mismong harap namin. Biglang bumukas ang bintana ng sasakyan..
"Kayo po ba si Laice at Abby?" - sabi ng lalaking medyo may katandaan na na driver ng kotseng itim
"Yes po! Ako po si Abby at siya po si Laice. Kayo po ba yung pinadala ni Quiven na sumundo sa amin?" - kausap ni Abby kay manong driver
"Opo! ako po yung susundo sa inyo." - sabi ni manong driver
"Hindi naman siguro kayo si kamatayan kuya ano?" - sabi ni Abby na nakalagay sa dibdib niya ang kamay
"Oi ano ka ba? Baliw ka talaga ano? Pasensya ka na po sa lukaret kong kaibigan. Ganito po talaga siya pag sapit ng alas tres, naloloka!" - sabi ko na nakatingin kay manong driver pero tinatap ko yung ulo ni Abby