Chapter 24

91 6 4
                                    

"Ms. Highblood huwag ngayon, pagod ako." - ngumisi pa siya kahit nakapikit siya

Kinginaaaaaa!!!

"A-Ano bang sinasabi mo diyan ha?" - hindi makatingin sa kanyang sabi ko

Agad pa akong napabangon sa pagkakahiga ko sa ibabaw niya.

"I like sleeping on your shoulders Ms. Highblood. Di ko alam gusto mo rin palang humihiga sa dibdib ko." - ngumisi ulit siya

O__O

"You pervert!" - inis kong sabi

"Wow ako pa ngayon? Ako pa talaga Ms. Highblood? Eh ikaw nga nananamantala diyan habang himbing akong natutulog. Tss!" - nag-smirk siya

O__O

A-Ano daw? N-Nanamantala? Ako? Sa kanya? What the?!

"For your info na-out balance lang ako. Bakit naman ako tatambay diyan sa dibdib mo? Aber?" - naghahamong sabi ko

"Aba ewan ko. Ikaw dapat sumagot sa tanong mo Ms. Highblood. Nagising na lang naman akong nakahiga ka na dito." - ngumisi siya matapos ituro yung dibdib niya.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ewan ko sa'yo. Magluluto na ako. Uuwi na rin ako pagkatapos mong makakain at makainom ng gamot." - sabi ko sabay tayo

"Highblood ka na naman. Sorry na. Binibiro lang naman kita." - ngumisi siya at mas lalo akong naiirita.

"Well, hindi nakakatuwa yung biro mo Dylan." - pagsusungit ko sa kanya

Tinalikuran ko na siya at pumunta na sa kusina.

*Dylan POV

Tumalikod na siya at pumunta na sa kusina para ipagluto ako.

Gustong-gusto ko talaga siyang iniinis. Paano kasi napaka-pikon niya. At ang cute niya pag nagsusungit na siya sakin.

Eeeh? Ano na naman ba tong iniisip ko. Erase!

Habang nagluluto siya ay pumunta na muna ako sa banyo para makapag-half bath.

Tumagal pa ako sa banyo ng 30 minutes. Nahihilo talaga ako at nanghihina yung mga mga buto-buto ko sa katawan. Nararamdaman ko rin na mainit yung katawan ko.

Lumabas na ako ng banyo matapos kong makapagbihis. Wala pa rin sa kwarto si Ms. Highblood kaya pinuntahan ko na siya sa kitchen.

"Ms. Highblood ang bango naman niyang niluluto mo." - sabi ko ng makalapit ako sa tabi niya

Hindi siya nagsalita.

"Kahit wala akong ganang kumain kakainin ko yang niluto mo." - ngumiti pa ako saka tumingin sa kanya

Tahimik pa rin siya.

"Woi Ms. Highblood. Pansinin mo naman ako." - sabi ko habang dinudungaw siya

Seryoso lang siyang nakatingin don sa niluluto niyang soup.

Mas lalo akong lumapit sa kanyang gilid. Nabubunggo na yung  kanang braso niya sa tiyan ko. Ganon na kami kalapit sa isa't-isa.

"Sorry.." - malambing kong sabi sa kanya habang nakatitig lang sa mukha niya

Jusko para kaming mag-asawa dito na may tampuhan tapos nilalambing ko siya habang nagluluto siya.

Shit! Bakit yon yung naisip ko? Asawa talaga? Tss!

Bigla na lang nagkaroon ng buhay tong kamay ko at hinawakan ko siya sa baba niya at dahan-dahang hinarap yung mukha niya sakin.

This I Promise You!Where stories live. Discover now