Nandito na kami ngayon sa harap ng bahay nila Ms. Highblood.
Nakatulog na siya habang bumabyahe kami kanina.
Ewan ko ba kung bakit hindi ko pa siya ginigising. Nakatitig lang ako ngayon sa mukha niyang himbing na himbing na natutulog.
Ano ba Dylan! You are acting weird lately. You should stop! This can't be! Alam mong bawal. Alam mong hindi to tama!
Napahiga pa ako sa manebela ng kotse ko.
Gulong-gulo na'ko.
I need to wake her up.
Lumabas pa ako ng kotse para umikot sa side ni Ms. Highblood. Dahan-dahan ko pang binuksan yung pinto ng front seat.
"M-Ms. Highblood.." - sabi ko sabay hawak sa mukha niya
Bigla siyang gumalaw at dahan-dahang nagmulat ng mata.
"Dylan.. nandito na ba tayo?" - namamaos na sabi niya
"Nasa harap na tayo ng bahay niyo Ms. Highblood. Hahatid na kita sa loob." - sabi ko na nakatingin lang sa kanya
"S-Sige.." - sabi niya saka dahan-dahan pang bumaba
Inalalayan ko siya at hindi naman siya komontra.
Kinuha ko sa kanya yung susi ng gate nila at agad binuksan yun. At nang mabuksan naman namin yung main door nila ay deretso na rin kaming pumanhik sa taas.
Tulog na rin ata yung ate niya at di na namalayang pumasok kami.
Pagbukas namin ng kwarto niya pinaupo ko agad siya sa bed niya. Tumabi rin ako sa kanya.
"Nahihilo ka pa ba Ms. Highblood?"
"Medyo. Pero itutulog ko lang to. Mawawala rin to. First time ko kasing malasing." - tumawa pa siya ng konti
"Can you promise me one thing?" - dahan-dahan pa akong tumingin sa kanya
"A-Ano yun Dylan?" - lumingon siya para salubungin ang mga tingin ko sa kanya
"Na-iinom ka lang pag kasama mo ako. Promise me." - sabi ko habang magkatitig lang kami
"Bakit?" - takang tanong niya
Bumuntong hininga ako at nag-iwas ng tingin. Ngayon nakatingin lang ako sa cabinet niya na nasa gilid ng bed.
"Ayoko lang na may ibang lalaking naghahatid sa'yo pauwi."
Dahan-dahan pa akong tumingin sa kanya ng wala akong marinig na sagot.
"A-Ayoko k-ko lang na maulit yung sa inyo ni Ryan." - nauutal na sabi ko
"O-Okay.." - sabi niya na nag-iwas ng tingin
"Matulog ka na. Uuwi na rin ako. Magpahinga ka na." - sabi ko sabay tayo
"Thank you Dylan. Mag-iingat ka sa pag-uwi. Pwede bang etext mo ako pag nakarating ka na sa bahay niyo?" - sabi niya habang nakatingala sakin. Nakatayo na kasi ako sa harap niya
"I-I d-don't have your number Ms. Highblood." - nahihiyang sabi ko
"Ahm.. can I borrow your phone?"
Kukunin ko na sana yung phone ko sa bulsa ko ng may bigla akong naalala.
"Lowbat pala ako Ms. Highblood. Pwede bang sulat mo na lang?" - pagdadahilan ko pa
"Sure.." - sabi niya sabay tayo at kuha ng sticky note at ballpen don sa drawer niya
Mabilis niya namang sinulat yung number niya don.