*Laice POV
Hindi pa rin ayos ang pakiramdam ko kaninang paggising ko. May lagnat pa rin ako. Pero kumpara kahapon mas kaya ko ng pumasok ngayon. Hinatid ako ni ate at kakadating lang namin sa school.
"Laice Vela yung mga binilin ko sa'yo ha? Kailangan mong kumain ng marami sa lunch. Kumain ka ng may sabaw at gulay. Samahan mo na rin ng prutas tapos uminom ka ng gamot pagkatapos mong kumain. Naglagay ako ng jacket sa bag mo. Suotin mo yan pag nilalamig ka. Yung payong mo pinasok ko na rin kanina sa bag mo. Pero bakit may isa ka pang payong diyan? Bumili ka ba ulit?" - mahabang sabi ni ate
Anong sinasabi niyang isang payong?
"Yung alin ate?" - tanong ko sa kanya
"Yung kulay black na payong na nasa bag mo" - sabi niya na nakatingin sakin
Kulay black na payong? Wala naman ak---- ah! Oo nga pala yung pinahiram ni Dylan nong sunday. Susuli ko na lang mamaya sa kanya.
"Ah! Yun ba? Kay Dylan yun. Pinahiram niya sakin nong sunday." - sabi ko sa kanya
"Naks! Iba talaga ang alagang Dylan. Balitaan mo ako tungkol sa kanya ha?" - sabi niya na may halong panunukso
"Huwag mo akong umpisahan ate! Magsisimula pa lang yung araw ko at wala akong panahong sakyan yang trip mo. Bababa na ako!" - inis na sabi ko sabay baba
"Ang sungit!" - rinig ko pang sabi niya
Sumenyas na lang ako sa kanya nong maisara ko na yung pinto ng kotse.
Naglalakad na ako ngayon sa hallway papunta sa classroom namin. Inagahan ko talaga! Wala lang. Trip ko lang! Lagi naman akong maaga pumunta ng school at never pa akong na-late. As in never!
"Oh! Good morning Ms. Monteverde. How are you?"
Nagulat pa ako nong marinig ang pamilyar na boses na yun. Dahan-dahan kong inangat yung ulo ko. Nakatungo kasi ako habang naglalakad.
Paktay! Naalala ko yung reporting! Ano kayang nangyari?
"Good morning Ms. Flores! Medyo okay na po ako. Nakapagpahinga po kasi ako ng maayos kahapon." - sabi ko sa kanya
"Good! And about your reporting nga pala Ms. Monteverde..." -
Ayan naaaa! Ayoko marinig! Huhu! Oo na.. wala na akong grade sa reporting kasi absent ako!
"Good job!" - nakangiting sabi ni Ms. Flores
O__O
Eeh? Ano daw? G-Good job? P-Panong good job?
"Ahh.. what do you mean ma'am?" - takang tanong ko sa kanya
"Mr. Dela Fuente told me everything. Na ikaw daw halos yung gumawa ng report niyo dahil late daw siyang dumating. I'm so impressed because you covered everything sa binigay kong topic." - nakangiti pa ring sabi niya
Weeeh? S-Sinabi ni Dylan yun? Di nga?
"Buti na lang honest si Mr. Dela Fuente kasi wala ka sanang grade because nagreport siya mag-isa and you were absent. Until he opened up to the class about you who did this and that. So i guess.. to be fair ay bibigyan rin kita ng grades."
"Talaga po? Thank you-thank you po Ms. Flores!" - tuwang-tuwang sabi ko
"You should thank Mr. Dela Fuente also Ms. Monteverde. Kung hindi dahil sa kanya hindi magbabago ang isip ko na hindi ka bigyan ng grades." - seryosong sabi niya