*LAICE POV
Kasalukuyang nagbibigay ng instructions si Ms. Flores para sa reporting na gagawing namin. Pair daw each topic na bibigay niya. For sure si Abby na partner ko nito. Nag-iingay na rin ang mga kaklase ko dahil kanya-kanyang hila na sila sa mga gusto nilang maka-partner.
"Class class quiet! Ako ang pipili ng makaka-partner niyo para fair sa lahat" - si Ms. Flores na tumayo na para makuha attention namin
"Ms. naman! Si Laice yung gusto kong makapartner eh." - reklamong sabi ni Abby
"Ms. kami na ni Lexie yung partner eh." - reklamo pa ng isa ķong kaklase
"Prof bakit kailangan na ibahin mo pa yung partner namin? Mas gusto namin yung napili naming partner kasi comportable kami sa kanila"
"Sssssh! Quiet! I said quiet! Makinig kayo class.. whoever the person behind you will be your partner for the reporting. Ayokong makakarinig ng reklamo diyan" - si Ms. na naupo na ulit sa upuan niya
Nilingon ko yung magiging partner ko sa likod ko...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.O__O
Anak ng!
Nakalimutan ko nga palang si Dylan yung nakaupo sa likod ko.
Haist! Peste!
"Okay guys.. bumunot na kayo dito ng magiging topic niyo." - sabi ni Ms. sabay angat nong bowl na may mga maliliit na papel na naka-roll doon
At isa-isa ng pumunta sa harapan yung isa sa mga pares para bumunot ng topic.
Nagulat pa ako nong inilapag ni Dylan yung papel sa upuan ko.
"Microeconomics and macroeconomics yung topic natin Ms. Highblood." - si Dylan na nagsalita sa likod ko pero hindi ko nililingon
Ms. Highblood ka diyan! Eh kung sapakin kita? Tss!
Hindi ko siya pinansin. Paano ko matitiis na makasama to na gumawa ng report namin? Iniisip ko pa lang parang maiiyak na ako. Kasama ko na nga to sa music club tapos magiging partner ko pa sa reporting.
Hustisya! Kailangan ko ng hustisya ngayon na!
"Reporting will start nextweek! Naiintindihan ba ng lahat?" - Ms. Flores
"Yes Ms.!" - sabay naming sagot kay prof
Maya-maya lang ay dinismiss na rin kami ni Ms. Flores. Dumeretso na kami sa pantry para mag-lunch.
Syempre habang kumakain andaldal na naman ni Abby. Kinwentohan ko kasi na bagong member ng music club si Dylan.
"Akalain mo yun beshie! Talented pala talaga yung Dylan na yun. Pinanganak yata na perfect yun eh. Gwapo na, talented pa! San ka pa diba?" - si Abby
"Punong-puno naman ng kayabangan sa katawan. Tss!" - naiinis na sabi ko
"Move on ka na kaya don sa nangyari sa gym beshie? Masaya na siya, kailangan mo na rin maging masaya para sa sarili mo. Isipin mo naman ang sarili mo ngayon." - hugot na sabi ni Abby
"Tss! Baliw!"
"Partner! Pwede ba kaming makiupo dito?" - sabay pa kaming napaangat ng tingin ni beshie don sa nagsalita
"Oh? Partner! Tara dito.. dito na kayo maupo ni Dylan
"Speaking of the devil!" - bulong na sabi ko