KINABUKASAN!!!
*AVA POV
Wala kaming klase sa first subject namin kaya naisipan kong pumunta ng pantry at kumain. Sakto namang pagpasok ko ay nakita ko si Dylan na kumakain kaya umorder na ako at nakiupo sa table niya.
"Hi!" - nakangiting bati ko sa kanya
"Oh? Hi Ava!" - nakangiti ring sabi niya
"Can i join you here?"
"Ofcourse!" - sabi niya na tinulungan pa akong ilapag sa lamesa yung tray ng pagkain na hawak ko
"Kanina ka pa dito?" - tanong ko sa kanya sabay upo sa upuang nasa harap niya
"Nope! Kakadating ko lang. Hindi ako nakapag breakfast sa bahay kaya dito na ako kumain."
"Ah okay. Anong oras ba yung klase mo?" - sabi ko atsaka na ako nagsimulang kumain
"Mamayang 11 pa naman yung first subject ko." - sabi niya
"Bakit ang aga mo naman yata? Eh 9 pa lang naman oh." - sabi ko na tumingin pa sa suot kong relo
"Nagpahatid kasi si Dad. Hindi niya kayang magmaneho kasi nahihilo daw siya." - seryosong sabi niya
"How was he? Okay na ba si Dean?"
"Yes he's fine! Uminom na siya ng gamot. May vertigo kasi si Dad eh."
"Oh okay. Good to know that he's fine na." - nakangiting sabi ko sa kanya
"Eh ikaw? Wala kang klase?"
"Meron sana pero wala yung prof namin. May pinuntahan daw na importante."
Tumango-tango lang siya at nag-smile.
Ang gwapo talaga neto! Kahit anong expression ang gawin niya sa mukha niya super hot niya pa ring tingnan.
"Ganun ba? By the way wala kayo kahapon ni Marc sa practice? What happened?" - nakakunot noong sabi niya
"Yung mom kasi ni Quevin isinugod sa hospital. May asthma kasi si tita. Hindi siya makahinga ng maayos kahapon kaya napagpasyahan na dalhin siya sa hospital. But she's fine now. Makakalabas na siya later." - paliwanag ko sa kanya
"Good to hear that. Eh si Quevin, papasok ba siya today?"
"Yup pumasok siya. Magkaklase kami sa lahat ng subjects. Pero hindi ko alam kung saan siya tumambay ngayon. Nga pala, ilang rounds yung practice niyo kahapon?" - sabi ko na nakatingin sa kanya
"3 rounds lang kami kahapon kasi today tayo babawi ng practice. OT daw tayo today."
"Ah okay.." - tatango-tangong sabi ko "so maaga ka palang umuwi kahapon?"
"Hindi rin eh." - sabi niya habang hinihiwa yung pagkain niya
"Huh? Bakit? May pinuntahan ka pa after ng practice?" - takang tanong ko sa kanya
"Oo! Biglaang dinner lang."
"Dinner date?" - seryosong tanong ko sa kanya
Susubo na sana niya yung hiniwa niyang bacon pero natigilan siya sa tanong ko. Dahan-dahan siyang tumingin sakin.
"N-No. It's not what you think it is Ava. I was just invited by her sister." - seryosong sabi niya
Parang may iba akong nararamdaman? Sino yong babaeng tinutukoy niya?