Chapter 23

112 7 3
                                    

*ABBY POV

Araw ng Monday at ang aga kong dumating sa school. Dumeretso pa muna ako sa cafeteria para don magpalipas ng oras. At nagtext ako kay beshie na dito na kami sa cafeteria magkita.

Umorder na ako ng food para saming dalawa. Papunta na rin kasi daw siya.

At habang hinihintay ko siya ay nagbrowse na lang muna ako ng facebook ko. Nadako pa yung mga mata ko sa "My Day" ni Dylan. Agad ko naman viniew para makita ko ng mas clear.

Kahapon pa'to ah?

May date kasi na nakalagay sa ilalim ng picture.

At hindi ako nagkakamali. Phone ni beshie yung hawak ni Dylan sa My day niya. So magkasama sila kahapon? Bakit? Paano?

Nilike ko pa muna yung My Day ni Dylan bago nag-log out sa facebook ko. Ipapasok ko na sana yung phone ko sa bag ko ng biglang may umupo sa upuan sa harap ko.

"Good morning.." - matamlay na sabi niya

"Oh beshie! Okay ka lang ba?" - takang tanong ko sa kanya

"Inaantok pa ako. Hindi ako nakatulog ng maayos. Ewan ko ba." - matamlay niya pa ring sabi

"Bakit naman hindi ka nakatulog ng maayos kagabe beshie? Baka naman may nangyari kahapon na hindi mo nakwekwento sakin?" - biro ko sa kanya

"Maraming nangyari kahapon." - sabi niya saka nilaro-laro ng tinidor yung inorder kong pagkain

"Gaya ng paghawak ni Dylan ng cellphone mo?"

"P-Pano mo nalaman na nasa kanya kahapon yung phone ko?" - takang tanong niya

"Nakita ko sa My Day niya. Bakit nga nasa kanya phone mo? Enlighten me please beshie." - pangungulit ko sa kanya

"Nanood kasi kami ng movie kahapon tapos--"

"W-Wait what? T-Teka lang beshie, mali yata yung rinig ko. Gutom na kasi ako eh. Ano nga ulit yon?" - di makapaniwalang sabi ko.

Alam ko mali talaga yung pagkakarinig ko eh.

"Yon na nga beshie. Nanood kasi kami kahapon ng movie. Tapos--"

Ano daaaaaw? Nanood sila ng movie? Silang dalawa lang ni Dylan? Bakit? Paano? Saan?

"Seriously beshie??? P-Pero bakit?" - takang-taka pa rin ako

"Anong bakit?"

"I-I mean bakit kayo magkasamang nanood? Kayong dalawa lang talaga???" - di makapaniwalang tanong ko

"Nong una kasama namin si Ava at Markie. Pero nong huli na kaming dalawa na lang. Sinamahan niya kasi akong kumain kaya hindi namin naabutan yung movie kaya pinanood na lang namin sa ibang time." - mahabang sabi niya

"W-Wait lang beshie.. paanong sinamahan ka niyang kumain tapos sabay kayong dalawa nanood ng sine? Hindi kayo nag-away? Hindi kayo nagsumbatan? Or nagsigawan?" - takang tanong ko pa rin sa kanya

"Tss! Ano ka ba. Okay na kami. Nag-sorry na siya sakin tungkol sa nangyari nong first day."

"Wait whaaaaaat? Seriously beshie? N-Nag sorry siya sa'yo?" - gulat na sabi ko sa kanya

"Oo nga.."

"Eh diba hindi marunong magsorry yun? Paano nangyaring nakapag-sorry siya sa'yo?" - di pa rin ako makapaniwala sa kwento niya

"Baka gusto niya lang na magkaayos na kami."

"Gulong-gulo na talaga ako beshie. Eh bakit naman nasa kanya yung phone mo?" - hindi matapos-tapos na tanong ko

This I Promise You!Where stories live. Discover now