Chapter 4

105 6 1
                                    

*QUEVIN JAN PEREZ POV

Ang bilis ng araw at friday na. After kong ipark yung sasakyan sa space ko sa parking ay deretso na akong naglakad papunta sa classroom. 

Pagdating ko sa classroom ay naabutan ko si Dylan na nakaupo sa tabi ng upuan ko, nakapikit siya habang nakasaksak na naman yung earphones sa magkabila niyang tenga. Ninanamnam niya yung kantang pinapakinggan niya habang nakakunot ang kanyang noo. Samantalang si Laice naman nakaupo sa unahan ni Dylan na nakahiga yung ulo sa desk na may saksak ring earphones sa dalawang tenga.

Yung dalawang to talaga! Hindi pa rin nagpapapansinan hanggang ngayon. 1 week na kaming magkaklase pero parang wala silang balak magbati. At minsan naman kung KAILANGAN nila mag-usap mapupunta lang rin sa sigawan at bangayan. Haist!

"Eherm!"

Bumalik lang ako sa diwa ko nong biglang may tumikhim sa likod ko.

"Kailangan talaga nakaharang sa pinto pag nag-iimagine partner?"

Doon ko lang napagtanto na nakatayo pala ako sa harap ng pinto habang pinapanood si Dylan at Laice.

"Sorry partner!" - saka ko ininguso sa kanya sina Dylan at Laice

"Bakit anong meron sa kanila?" - si Abby na tumingin muna sa dalawa bago tumingin sakin

"One week na tayong magkaklase pero hindi talaga sila nagpapansinan na dalawa." - sabi ko sabay tingin sa dalawa

"Hindi naman na bago satin yun. Magulat ka pag nakita mong nag-uusap ng mahinahon yang dalawang yan." - sabi niya sabay turo sa dalawa

"Yung kaibigan mo kasi grabe magtanim ng galit. Haaay.."

"Excuse me? Yang kaibigan mo kasi hindi marunong mag sorry. Pano nga naman siya papatawarin ng kaibigan ko?" - sabi niya na nakatingin sakin pero nakaturo sa dalawa

"Relaaaax! Mamaya tayo naman mag-away niyan eh." - pakalmang sabi ko sa kanya

"Sabihan mo kasi yang kaibigan mo na uso naman dito sa earth ang pagsabi ng sorry." - sabi niya na nakatingin kay Dylan

"Tss!" - iiling-iling na sabi ko

"Saang planeta ba galing yang kaibigan mo at hirap na hirap mag-sorry?" - sabi ni Abby na nakatingin sakin

"May kwento kasi yan kung bakit siya ganyan. At hindi mo rin maiintindihan kung wala ka sa posisyon niya. Ako nga hindi ko ma gets pinaglalaban niya eh! Haist!" - sabi ko sabay tingin kay Dylan

"Kung ano man yang ipinaglalaban niya sabihin mo hindi nakakatuwa kamo." - si Abby

"Tss! Halikana nga.. pumunta na tayo sa kanila at baka paparating na yung prof natin." - yaya ko kay Abby at saka kami naglakad papunta sa upuan namin.

Naupo na ako sa tabi ni Dylan at si Abby naman dumeretso na sa tabi ni Laice.

Tinanggal ko pa yung isang earphone ni Dylan. Full volume kasi magpatugtog to eh.

"Bakit?" - si Dylan na binigyan ako ng seryosong mukha

"Saan ka uuwi mamaya?" - sabi ko na nakatingin sa kanya

"Sa condo. Bakit?" - sabi niya sabay tanggal ng isa pang earphone sa kaliwa niyang tenga

Oo nga pala! Sabi kasi ni Dylan sakin tuwing weekends doon siya mag-sstay sa condo niya. 30 minutes away yun kung manggagaling ka dito sa school. Yung condong yun ay regalo sa kanya ng dad niya nong last birthday niya. Doon siya nag-stay nong bumalik kami dito galing America. At dahil pasukan na, bumabalik siya sa bahay nila tuwing weekdays or may pasok. 

This I Promise You!Where stories live. Discover now