Chapter 3

46 2 0
                                    

'After him'

Summer


Inis kong tinadyakan ang boteng pakalat-kalat sa harap ko. How can life be this hard to me? I am hungry and it sucks. Wala akong makitang pwedeng gawin para magtrabaho. I don't have a lot of knowledge about work. Inis akong umupo sa tabi saka napa-irap sa kawalan. Nasanay akong dinadalhan ng pagkain. Nasanay akong kumakain ng walang hirap. And now, naiisip ko kung magandang ideya ba talaga ang pagtakas sa lugar na yon?

Nagulat ako ng may bumagsak na bagay sa harap ko. Sinundan ko ng tingin ang naglaglag nito. It was Lucas. He's smirking infront of me. Hindi na siya nakasuot ng suit. Nagpalit na siya. White shirt and pants. "Gutom ka na ba doggy?" hinimas-himas niya pa ang ulo ko na parang isa talaga akong aso.

Tumayo ako at akmang bibigwasan siya pero itinaas niya ang dalawa niyang kamay saka ako pinanlakihan ng mata. "Sige ka, di kita papakainin dyan!"

Damn, i hate this man so much. Hinding hindi talaga ako magpapadala sa kanya. Kahit nagugutom ako ay kaya kong gumawa ng paraan para sa sarili ko. Right, Summer?

"Hindi ako gutom." the moment i said those words to him. My stomach becomes wild. Pinahiya niya ako sa harap ng kumag na to. 

Inis ko itong hinawakan at saka nag-iwas ng tingin kay Lucas na ngayon ay tawa na naman ng tawa. He's really happy teasing humans. I wanted to punch him but i don't have energy to do that. Gutom na gutom na ako. Gusto ko nang kumain.

Ilang minuto pa siyang tumawa ng tumawa saka siya tumigil at hinila ang braso ko. "Halika na, nagutom rin ako sa kakatawa."

Nakarating kami sa isang hindi ko alam. Pagkapasok namin doon ay maraming mga taong kumakain pero magkakaiba ng lamesa. Woah, ganito pala ang feeling kapag kakain ka sa labas. Mas madami kang kasamang kumain. Unlike sa tore, kami lang dalawa ni mom. Ngayon ko nararamdaman na sobrang boring pala talaga sa lugar na yon. Paano ko natiis tumira ng labing-walong taon don?

Sabi ni Lucas ay siya na raw ang bibili ng kakainin namin. Hindi pa nagtagal ay bitbit niya na ang mga ito. Inilapag niya sa harap ko ang unfamiliar na pagkain. "Spaghetti and mojo. Mojo is a fried potatoes for you to know." paliwanag niya saka nilantakan ang pagkain niya.

In tower, i only eat veggies and fruits. Kahit kailan ay hindi pa ako nakatikim ng ibang pagkain bukod don. Unti-unti akong sumubo ng spaghetti. Napapikit pa ako ng mariin sa sobrang sarap nito. Woah, bakit ngayon ko lang natikman ang bagay na ito? Kung alam ko lang na may ganito pala sa lugar na ito ay matagal na akong humiling kay mom nito.


Sunod-sunod ang pagsubo ko sa sobrang sarap at saya sa pakiramdam na kumakain ako ng ganito. Totoong nabubuhay na ako. Hindi na rin galit ang tyan ko at masayang tinatanggap ang mga pagkaing ibinibigay ko sa kanya.

Nagulat ako ng biglang himasin ni Lucas ang buhok ko. "Gutom na gutom si doggy, wawa naman. Kain lang. Kain lang chuchu." muli niyang pang-aasar. Sinamaan ko lang siya ng tingin pero patuloy pa ring kumain.

I have to swallow my pride. Maybe, this will be the last time na makakain ako ng libre.

Pinunasan ko ang labi ko saka uminom ng tubig na may kulay. It smells like an orange. My mom doesn't prepare me these kind of foods. Sana pala ay nag-request ako sa kanya. Pero, mukhang hindi naman siya papayag dahil marami siyang ipinagbabawal sa akin. Ang sabi niya kaya maaga raw namamatay ang mga tao sa outside world ay dahil sa mga kinakain nila.

Nakakamatay ba ang mga ito?

"Saan ka na ngayon titira?" tanong ni Lucas habang nagpupunas ng labi niya. Itinaas niya pa ang hawak niyang mukhang papel. "This is a tissue."

the one who can see, everything Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon