'With Ten'
Summer
Things in outside world is still strange for me. Isang linggo na rin pala akong wala sa tore. Medyo nakaka-adjust naman ako kahit papano. Tinuturuan naman ako ni Lucas at Ten. Pero ang kakayahan ko ay nananatiling sikreto sa aming tatlo.
"Ang astig talaga ng ability mo, Summer." pahayag sa akin ni Ten habang naglalaro ng PlayStation. Sabi niya yon kanina habang inaaya niya akong maglaro. Muntik ko pa ngang masira ang joystick 'raw' dahil nalaglag ko ito ng biglang tumunog ang kuwadernong bagay na umiilaw na 'tv' pala o 'television.'
Ang akala ko ay muli akong matatalo sa karera ng sasakyan pero hindi pala. Sa ika-labing lima naming pag-lalaro ay nanalo ako sa wakas. Nananakit na ang mata ko kaya umayaw na muna ako.
Nanatili namang naglaro mag-isa si Ten. Andito siya sa bahay ni Lucas dahil parati naman daw talaga siyang bumibisita dito.
Tumayo ako saka naglakad papunta sa kusina. Naabutan kong nagluluto na si Lucas ng kakainin namin para sa pananghalian. Ilang araw at beses ko na ring pinapanood si Lucas sa tuwing nagluluto siya dahil gusto ko ring gawin ang bagay na yon.
Tumingin naman siya sa akin ng bigla akong umupo sa upuan sa likod niya. "Gusto mong subukan? Ilang araw ka nang nanunuod sa akin." alok niya.
Ngumiti naman ako at mabilis na lumapit sa tabi niya. Pinahawak niya sa akin ang bagay na lagi lagi niyang hawak. "That is a tong." paliwanag niya.
Sa bawat araw na itinatagal ko sa lugar na ito ay marami akong termino at bagay na nalalaman. Kagaya noong tumutunog na bagay kapag naiilawan ang presyo sa tuwing magbabayad kapag may binibili. It was actually a price checker.
Hinawakan ko ang sinasabi niyang tong saka ginaya ang ginagawa niya kanina. "Wow, that is excellent for a first timer!" puri niya saka ginulo ang buhok ko.
Ngumiti naman ako at patuloy na sinunod ang mga itinuturo niya. Finally ay nakatapos na rin kaming magluto. Iniayos namin sa lamesa ang mga niluto niya na may kaunting tulong ko.
Tinawag na niya si Ten mula sa salas na naglalaro ng PlayStation at saka kami sabay-sabay kumain. "You're still impressing me, Lu." puri ni Ten sa kanya habang sarap na sarap kumain ng niluto ni Lucas.
"My Doggy, help me to fried a chicken." tugon nito kay Ten na malayong sagot sa pinuri nito sa kanya. Umiwas naman ako ng tingin sa kanilang dalawa na nakatitig sa akin. Naiiling ako at the same time ay nahihiya sa kanilang dalawa.
Is it because para akong mangmang na nga-ngayon pa lamang natututo ng mga normal ng bagay sa kanila?
Ugh. Ofcourse, Summer. That's already given. You're lack of knowledge when it comes to outside world! You've been locked up all day and night in the tower for 18 years.
Napairap ako dahil nagsisimula na naman akong makipagtalo sa sarili ko. Tahimik lang akong kumakain habang nakikinig sa kwentuhan ni Ten at Lucas. Sari saring kwentuhan. May mga binabanggit rin silang mukhang mga pangalan ng kakilala nila, pero hindi naman ako interesado dahil wala akong kilala ni isa rito.
My mom, Lucas, Ten and the saleslady Zheina at the clothing store. Sila lang ata ang mga taong nakilala ko.
"Oo nga pala, back to school na sa isang araw ah." napa-angat ang ulo ko matapos kong marinig ang sinabi ni Ten.
BINABASA MO ANG
the one who can see, everything
FanfictionOnce upon a time there was a girl live in a tower named, Summer Elay Carbahal. Things become boring so she jump on her window and start to run away from the life she used to live before. bts series 1 | the one who can see, everything | jeon jungkoo...