Chapter 15

19 2 0
                                    

'To be safe'

Summer


"Summer dito!" sigaw ni Zheina sa di kalayuan. Kasama niya si Lucas at Ten. Pinauna ko naman si Knox na karga-karga pa rin yung babaeng may tama sa binti kanina.

Ibinaba kaagad ni Knox ang babae sa bleachers malapit sa kinatatayuan nila Zheina. Lumapit naman ako at chineck ang sugat niya. Hindi na gaanong dumudugo but she still needs to be heal.

"Dito ka lang, hihingi ako ng tulong." paalam ko sa babae pero hinawakan niya lang ang braso ko at umiling sa akin. Saying she'll be fine. Hindi naman ako nakinig at pinabantayan siya kay Knox. Hindi ko na hihintaying lumala pa ang sugat niya.

"Summer Elay, Where are you going?" napatigil ako sa paglalakad dahil ihinarang ni Lucas ang sarili niya sa harap ko. Hindi naman ako nagsalita at dumaan lang ng mabilis sa gilid niya. I have no time to deal with his stubborn attitude. Not now, Lucas Grey.

Dumeretso ako sa ibang mga kumpol-kumpol na tao. Trying to find if the school staff medics was here. Napabuga ako sa hangin dahil ilang minuto na akong naghahanap ay wala pa rin akong makita.

"Oh! The frustrated girl, earlier?" naningkit ang mata ko sa nakasalaming lalaking bigla na lang sumulpot sa harapan ko. Tumawa siya saglit bago ako titigan. "Still frustrated until now."

Nagkibit-balikat na lang ako at luminga-linga sa paligid. Maraming sugatan at kokonti ang medics na umiikot para gumamot. Napabuntong hininga ulit ako.

"What's your problem?" tanong ng lalaking nakasalamin ulit sa akin. Wala ba siyang kailangang alalahanin? Bakit parang hindi man lang siya nababahala sa nangyayari? "Meki Reece, by the way. Maybe i could help you? Total wala naman akong maggawa." suhestiyon niya.

"I need to find medics-" napatigil ako dahil inunahan na niya ang pagsasalita ko.

"Nasa harap mo na ako." napangisi naman ako sa sinabi niya at mabilis siyang hinila sa pwesto namin nila Zheina kanina.

Healer. This guy with glasses is a healer. It was obvious. Itinaas niya ang kamay niya at bigla na lang itong nagliwanag ng itapat niya sa binti noong babaeng nabaril kanina. It only took a few seconds to heal. And then boom! Nakakalakad na ulit siya.

Tumakbo kaagad ang babae sa akin at niyakap ako. Nagulat pa ako kaya hindi ko siya maggawang yakapin pabalik. "Thank you so much, Unnie. I owe my life to you." she has a sweet tone of voice that can make you calm than ever before.

"Wala ka bang mga kasama? Pwede mo na silang hanapin." utos ko pero umiling lang ito at yumuko.

"I lost my one and only bestfriend." nakayuko pa rin siya pero kitang kita ko ang pagtulo ng luha niya at rinig na rinig ko ang garagal ng boses niya while saying those lines. "Bigla na lang kaming pinalibutan ng limang lalaki, may mga itinatapat sila saming parang recognizer ng ability. Pagkatapos naming mag-negative ni Ellen binaril kaagad nung isang lalaki si Ellen." litanya niya. Maingay sa paligid pero ramdam na ramdam namin ang tensyon sa bawat salitang sinasabi niya.

Iniupo ko na muna siya sa bleachers at tinapik-tapik ang likuran niya. Iniabot naman sa kanya ni Zheina ang isang boteng tubig. Sumimsim siya ng kaunti pagkatapos ay pinunasan niya muli ang luhang tumutulo sa mga mata niya. Nakaupo ako sa katabi niya. Tinabihan rin siya ni Zheina sa kabilang side at naki-tapik sa likod nito.

the one who can see, everything Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon