'Embracing the Outside World'
Summer
Lucas Grey is a kind of man who is obsessed teasing humans. He's 20 years old but he's mentally age by 4. Napailing na lang ako habang pinapanood siyang umiinom ng amoy matamis na inumin. I can't describe it well dahil hindi ko alam kung ano yon. Naka-upo pa siya sa lamesa sa kusina kaya ang mga paa niyang hindi abot ang semento ay nags-swing back and forth.
"Gusto mong tikman? Masarap to~" bumaba pa siya sa lamesa at lumapit sa akin saka itinapat sa mukha ko ang iniinom niya pagkatapos ay iinom ulit siya tapos ay ilalapit niya ulit sa mukha ko tapos ay iinumin ulit niya tapos ay— hindi na ako nakatiis. Tinalikuran ko na siya at naglakad na lang papunta sa sofa.
"Hoy, doggy! How dare you! Kailan ka pa natutong tumalikod sa sarili mong amo ha?" narinig ko ang mga yabag ng lakad niya. Sumunod siya sa akin saka umupo sa sofa sa katabi ko.
Hindi ako umiimik. Its not that, i can't talk o wala akong sasabihin. It was just, i used to talk to myself always. Sanay akong mag-isa ako. Sanay akong sa sarili ko lang ako nagsasabi. Sanay akong nag-iingay ako sa sarili ko lang rin.
At hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na may ibang boses na akong naririnig.
"Okay ka na ba?" tanong niya sa akin. Umiinom pa rin siya nung amoy matamis na inumin kaya amoy na amoy ko ito. Kapag nahumaling pa ako ay baka gustuhin ko rin ang bagay na yon. Nahihiya naman akong manghingi sa kanya. Napapikit ako ng pinitik niya ang noo ko. Tinignan ko naman siya ng masama dahil sa ginawa niya. "Doggy! Nag-spaced out ka na naman!"
"Okay na ko. Wag kang maingay." mahinang sambit ko.
Last night, i had a nightmare. About an old woman— who turned out to be my mom. That nightmare. Ako at si mom. Ako at yung matandang babae. Ako. I-i was a child back then. Bata pa ako sa panaginip na yon. Sobrang bata pa. The dark passage. It was scary. Sanay ako sa madilim dahil madilim ang tore. Pero ang kadiliman ng daan na yon ay kakaiba. And then, the old woman, my biggest nightmare.
"Doggy! Bingi ka ba o ano?" napabalik ako sa reyalidad at tumingin kay Lucas na masama na ang tingin sa akin. "Wag mo kong tingnan ng ganyan. Mukha kang asong nagmamakaawa." napa-irap na lang ako dahil sa sinabi niya. Wala na ba talagang matinong bagay ang lalabas sa bibig niya? Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa labas dahil baka mamaya ay kung ano na naman ang mapuna niya sa akin.
Ilang minuto rin siyang nakatunganga habang pinaglalaruan sa bibig niya yung kahon ng iniinom niya habang ako naman ay nakatingin lang sa kawalan. Sanay na ako sa ganito, hindi ko lang alam sa malfunctioned na kasama ko. Sa wakas ay marunong rin pala siya manahimik kahit na saglit lang.
Sinundan ko na lamang siya ng tingin ng bigla siyang tumayo mula sa tabi ko at naglakad papunta sa kusina. Pagbalik niya ay may dala na naman siyang matamis na inumin na nakalagay sa kahon na maliit habang may kulay puting nakatusok at doon siya sumisipsip.
Napansin niya yatang nakatingin ako sa kanya kaya pinanlakihan niya ako ng mata saka muling ininggit ng iniinom niya. Inilalapit na naman niya ito sa mukha ko pagkatapos ay ilalayo palayo saka niya iinumin.
Mukhang nagsawa na ulit siya sa pang-aasar niya kaya ilang minuto na naman siyang nakatulala sa bagay na iniinom niya. Tumutunog tunog pa ito ng mukhang sinasaid niya ang laman sa loob.
BINABASA MO ANG
the one who can see, everything
FanfictionOnce upon a time there was a girl live in a tower named, Summer Elay Carbahal. Things become boring so she jump on her window and start to run away from the life she used to live before. bts series 1 | the one who can see, everything | jeon jungkoo...