Chapter 13

12 1 0
                                    

'Back'

Summer


Iniayos ko ang paang nalalaglag mula sa sofa ng tulog na si Ten. Pagkaatras ko ay naapakan ko pa ang daliri ni Jadh. Akala ko ay magigising ko ito pero gumalaw lang siya sa pwesto niya at natulog ulit. He's so drunk.


Sumunod naman ay si Zheina na pasuray-suray na naglalakad palapit kay Lucas na naka-upo lang sa isang tabi. Pinagmasdan ko lang si Zheina na dinuduro-duro si Lucas. "Ikaw, Lucas Grey! Ikaw ha!"

Bumuntong hininga si Lucas saka tumayo para sana alalayan si Zheina pero hinawi nito ang kamay niya. "Stop doing things like this!" singhal nito bago umupo sa sahig. Pinatatayo ito ni Lucas at sana'y bubuhatin pero hinawi ulit siya ni Zheina at binakuran ang sarili gamit ng kanyang force field. Namumungay ang mata niya pero pinilit niyang tignan sa mga mata si Lucas. "Starting today, i'll use my force barrier to stop you from making me fall for-" hindi na natapos ang sasabihin ni Zheina dahil bigla na lang itong bumagsak sa sahig. Thanks to me, mabilis kong nasipa ang unan na nalaglag mula sa paanan ni Ten at naunanan yon ni Zheina bago siya bumagsak.

Napailing na lang si Lucas at dinala rin agad si Zheina sa kwarto na tinutulugan ko. Pinagmasdan ko na lamang ang mga kalat sa paligid. Balat ng kung ano-anong pagkain. Mga tapon tapon na tubig, juice at alak. May mga bote ng pinag-inuman na pasimuno si Zheina. They throw a party for me. That's so sweet but i can't help but to feel sad because this isn't permanent. Baka bukas o makalawa maiwan ko na rin sila. Hindi dapat ako ma-attatched masyado. Ayokong umiyak sa dulo.

Napalingon ako sa tunog ng yabag ni Lucas na pababa na mula sa kwarto ko. Gulo-gulo ang buhok niya at naka-tanggal pa ang isang bilog na butones mula sa polo niya. Nakasimangot siyang inaalis ang polo niya kaya nakasando na lang siya.

"2:30 na ng umaga. Hindi ka pa ba matutulog?" tanong niya sa akin. Umiling naman ako at kumuha ng kung ano-anong gamit panlinis. "Ako na. Hindi ka pwedeng mapagod." mabilis pa sa alas-kwatrong inupo niya ako sa maliit na sofa katabi ng tinutulugan ni Ten.

Pinanood ko lang siyang gumawa ng bagay na sana ako ang gagawa. Kaya naman pala maraming humahanga kay Lucas ay dahil sa taglay nitong kagwapuhan. Hindi naman sa ngayon ko lang napansin. Pero mas ngayon ko lang na-realize. He's eyes we're sparkling, matangos ang ilong niya at ang mga pilik-mata niya ay mahahaba na mas lalong nagdadagdag ng appeal sa kanya. Ang labi naman niya ay sakto lang, he also have a bunny teeth na mas lalo lang nagpa-angat sa kagwapuhan niya. Lucas Grey was cute and handsome at the same time. And uhh, hot also. Malaki rin pala ang katawan niya at medyo nakakatawang pagmasdan na may hawak siyang walis at tambo cleaning some mess.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at naghintay kung makakatulog ba ako. But minutes once again passed. Wala ring nangyari. Hindi pa rin ako nakaidlip. Mabuti pa si Ten humaharok pa. Si Jadh naman ay mahimbing rin ang tulog.

Napatayo na lang ako sa kina-uupuan ko at nagpunta sa kusina para uminom ng tubig. Pagkasara ko ng ref ay nakita kong umupo si Lucas sa dining table.

"I'm sorry." he's eyes we're really sincere. Papaanong hindi ko mapapatawad ang isang to. "If i just don't let you leave like that. Kung sana ay sinamahan kita gaya ng pagiging malapit sayo ni Ten ay ginawa ko na." tumungo ito saka pinaglaruan ang mga daliri niya. Nanatili lang akong nakatayo sa harapan niya at nag-iisip kung ano ba ang dapat kong sabihin. "Hindi ko man lang napangatawanan ang pagp-protekta sayo. Maybe, mas maaalagaan ka pa nang Knox na yon kaysa sa akin-" but i ended up hugging him too.

the one who can see, everything Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon