Chapter 6

21 1 0
                                    

'Her first day of school—Literally.'

Summer


Iniayos ko ang suot kong uniporme bago ako lumabas ng pintuan ng kwarto ko. Naabutan kong nakabihis na rin sila Ten at Lucas ng suot nila na kagaya ng kulay ng sa akin.

"Bagay sayo, Summy!" masiglang bati ni Ten saka nag-cling sa braso ko. These past few days ay nagiging clingy siya pero hindi mo yon mabigyan ng malisya dahil bata pa talaga ang isip niya. Kumpara rito kay Lucas na malfunctioned lang talaga.

Tinapik ko naman ang ulo ni Ten. "Salamat sa pagkuha nito at paghatid nito dito." ngumiti naman siya sa akin nakita ko pa ang pagkinang ng mata niya. Sa totoo lang ay sobrang nato-touch talaga ako kay Ten dahil sa labis niyang pag-intindi sa akin at sa kalagayan ko. Para siyang naging primary teacher ko habang hindi pa ako pumapasok.

"Iw, Sakit nyo sa mata." sabay kaming lumingon kay Lucas na ngayon ay naglalakad na palabas ng bahay niya.


Ang cool na sana niya pero muntik pa siyang madapa dahil sa nagkalat na ballpen sa sahig. Humagalpak naman ng tawa si Ten habang ako ay nag-iwas ng tingin pero napangiti rin.


Masama niya kaming tinignan bago ihinagis ang ballpen sa basurahan at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad palabas ng bahay. "Lucas looks like a different person when he's with you." tinignan ko lang si Ten na nakangiti pa sa sinabi niya.


Magtatanong pa sana ako kung para saan ang sinabi niya pero hinila na niya ako palabas ng bahay ni Lucas dahil naririnig na namin ang pag-andar nung sasakyan niya. Balak talaga yata kaming iwanan.


Buong byahe ay nanatili akong tahimik. Sa unahan naka-upo si Lucas at Ten habang ako naman ay nasa likod lang.


"If they asked your ability, tell them you're a fortune teller." nakita kong nilingon pa ako ni Lucas kaya mukhang ako ang tinutukoy niya.


Ability? Why would they ask me my ability? I thought i was going to school to learn. Bakit kelangan nilang itanong na may ability ako? Bakit nila malalaman na may ability ako? I don't really understand, everything. Napapikit na lamang ako at pinakalma ang sarili ko. Isinandal ko ang ulo ko sa kinauupuan ko. Kinakabahan talaga ako. Maganda ba talagang ideya ang pagpasok ko?


Sabay kaming naglakad ni Ten papasok ng school habang si Lucas naman ay nauunang maglakad. Mula sa malaking mukhang rehas ay may bumati sa aming mga lalaking malalaki ang katawan. They also have a gun. "Good morning, Sir Ten." bati ng isa sa kanila. Tumango lang si Ten at itinuro ako. "My sister will be transferring here." tumango naman ang mga tauhan kahit mukhang nagulat sila sa sinabi ni Ten.


"I forgot to tell you what cellphone is." napasapo pa si Ten sa kamay niya. Ngumiti lang ako at hinila na siya papasok. "Maraming araw pa para matuto ako non."


Sobrang ganda ng school. Maraming naglalakihang mga puno at maraming magagandang halaman. Malawak rin ito at maaliwalas tignan. "Those are buildings. That is gymnasium. This is the field." explain ni Ten sa mga dinaraanan namin.

the one who can see, everything Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon