'Another Mission'
Summer
"So, you had your first LQ?" tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Zheina. What's LQ, by the way? Tumawa naman siya at parang na-realize na hindi ko na-gets ang sinabi niya. Kaya siguro siya tumatagal sa ugali ni Lucas dahil magkahawig rin pala ang ugali niya. Nice.
"I don't get your friend, Zheina." naaalibadbaran kong sagot sa kanya. Hinanap ng paningin ko si Jadh dahil hindi sila mag-kasama ni Zheina. Which is new, they get along together as always. Speaking of Jadh, is he really okay? I remember the day na nakita namin si Jessica sa hospital with another man.
"I don't get him too." sagot niya sa sinabi ko kanina. Kung ganoon pala naman ay paanong tumatagal siya kay Lucas?
Napailing na lang ako at muling inisip si Jadh. Alam na kaya ni Zheina ang tungkol dito? Matapos kasi nung insidente na makita namin si Jessica sa hospital ay hindi ko na ito nabanggit sa kanya kahit na kailan dahil hindi rin naman niya yon in-open-up sa akin ulit. Jadh seems fine after all. Parang walang nangyari sa kanya. Parang hindi niya nakita ang girlfriend niyang mahal na mahal niya, na may kasama ng iba. And did they break up before that day?
"Zheina. About Jadh.. " napatigil ako dahil hindi ako sure kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang bagay na yon. Tumingin lang sa akin si Zheina na parang hinihintay ang sagot ko. Sa aming lahat si Zheina ang pinaka-malapit kay Jadh. Lumunok muna ako bago magsalita. "How's him?" tanging naitanong ko.
Saglit lang nag-isip si Zheina sa itananong ko. Dang it. I was supposed to ask if Jadh tells something about Jessica pero ayokong manguna. Baka mamaya ay hindi niya pala yon sinasabi kahit kanino pagkatapos ay sakin magmumula.
"He's fine. Bakit, Sum? May problema rin ba kay Jadh? May problema ba kayo? May itinatago ba si Jadh—"
I interrupt her words. I did a hand gesture saying stop. Umiiling-iling pa ako. "Wala, Zheina. Wala!" rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Grabe ang babaeng to. Sobrang bilis makapag-buo ng ideya.
Itinaas naman niya ang dalawang kamay niya. "Okay, okay. Wag kang manigaw." natatawa niyang sabi.
Naihilamos ko na lamang ang kamay ko sa mukha ko. "Ikaw kasi eh, sunod sunod kang mag-bukas ng idea." mas lalo lang niya akong tinawanan sa isinagot ko. She's being weird like Lucas Grey. Ugh.
Hinila ako patayo bigla ni Zheina sa kinauupuan namin at dinala papunta kila Lucas na nag-hahanda na ng pagkain. Ten and Jadh smiles at me habang si Lucas naman ay hindi nag-atubiling tumigin sa amin. Still mad? It's a tie. Me too. Tss.
Kumuha na lang ako ng mga tinapay at kinain yon. Kailangan naming magtiis just for tonight. Bukas ay uuwi rin kami at masu-suspend muna ang klase. Sari-sari lang ang pinagk-kwentuhan nila. Minsan ay nakikitawa ako at umiimik ng kaunti.
Nagpaalam ako sa kanila para saglit na mag-iikot ikot na lang muna. Hindi ko alam kung kaya ko bang tumagal na kasama sila ganong mainit pa rin ang ulo namin ni Lucas sa isa't isa. I don't want to stress myself for the meantime. Nakasalubong ko yung babaeng tinulungan namin ni Knox kanina. She's Adry. Napag-alaman ko lang. May kasama na siya ngayong dalawang babae.
BINABASA MO ANG
the one who can see, everything
FanfictionOnce upon a time there was a girl live in a tower named, Summer Elay Carbahal. Things become boring so she jump on her window and start to run away from the life she used to live before. bts series 1 | the one who can see, everything | jeon jungkoo...