Chapter 17

20 1 0
                                    

'Fix yourself first'

Summer


Halos kalahating araw na yata akong tulog mula noong maka-uwi kami galing sa school. I stayed up overnight because i can't sleep. My mind is too bombarded with things and questions. Sunod-sunod ang pangyayari. Nakakalito na. Bakit ba nagkaroon ng gulo sa school? Ano bang kailangan nila? And what's with the chosen students for their best abilities? Bakit kabilang ako doon?

I checked the time on my phone. Its 1:30 p.m in the afternoon at hindi pa ako kumakain. Alas-singko ng umaga kami pinauwi kanina from school. Pag-kauwi ko sa bahay ay natulog na ako.

Bumaba ako sa kwarto para pumunta sa kusina. Kumuha ako ng tubig sa ref at saktong pag-kasara ko noon ay bigla na lang sumulpot si Lucas kaya naman nabitawanan ko ang basong may laman na ng tubig. Umalingawngaw ang tunog nito sa buong paligid at nabasag ko pa ito.

Nakatingin lang sa akin si Lucas kaya yumuko muna ako bago rin siya tinignan. Why so clumsy, Summer? "I'm sorry." nahihiyang sabi ko saka sinimulang pulitin ang bawat bubog na nasa sahig.

"No, i'm sorry." lumuhod rin siya sa harapan ko bago tinapik ang kamay ko na dumudugo na pala. Mabilis niya lang nalinis ang mga bubog at napunasan ang basang tubig.

Hinila niya ako sa salas at itinulak papa-upo sa sofa. Umalis siya at muling bumalik na may dala-dalang alcohol, bulak at band aid. Umupo siya sa harap ko at sinimulang gamutin ang sugat ko. The living room was filled with silence kaya naman nag-karoon ako ng tyansa na tanungin ulit si Lucas. "Sorry for what?"

Tapos na ang pag-lilinis niya kaya nilagyan na niya ito ng band-aid at iniligpit ang mga gamit na dinala saka ipinatong sa lamesa sa harapan ng mahabang sofa, na kinauupuan naming dalawa. "You're always bleeding, everytime."

Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya. "What?" tatlong beses niya lang naman yata ako nakitang ganito.

Ang una ay noong dumudugo paa ko dahil sa hindi ako sanay na matagal ang nilalakaran. Remember, been locked up in tower. The second one, siguro noong dinala ako sa hospital ni Knox dahil i got beaten up by his father. That was a traumatic experience for me. And the last one, is this thing. Nasugatan ako dahil sa bubog ng baso.


"I'm sorry, for yelling you." umiwas pa siya ng tingin bago pinilit ang sariling tignan ako. His eyes we're like deep black hole. They're too much, expressive. That's why i can clearly see his sincerity. "I'm sorry for yelling you back." sagot ko saka ngumiti at ginulo ang buhok niya.

So this is what it feels to forgive and to be forgiven. Feels good. Hindi ko maiwasang mapangiti. Nakakaranas na ako ng mga emosyong sa libro ko lang nararamdaman. Makakapag-relay na ako sa sarili kong istorya at hindi sa istorya ng iba.  Iba pa rin pala kapag ikaw mismo ang nakaranas. Iniangat din niya ang paningin niya at tinignan ako. "Natakot ako. Baka umalis ka rin."

Natawa naman ako sa sinabi niya. Bakit naman ako aalis? Wala akong ibang mapupuntahan kundi siya lang. Dito lang. At kahit marami pa akong pwedeng puntahan. Eto pa ring bahay niya ang uuwian ko dahil ito na ang simula't sapul kong tinirahan mula ng makalabas ako sa tore. Ilang buwan na rin ba akong namamalagi dito? Almost 5 months?

Sumandal na si Lucas sa sofa kaya naman sumandal rin ako. Pumipili siya ng channel na papanoorin niya sa tv at napadpad ito sa isang cooking show. Seriously? He's the weirdest guy ever. Noong isang linggo kasi ay puro nag-bebenta ng mga kawali ang pinapanood niya? Ngayon naman, cooking show ang nahihiligan niya. What's next?

the one who can see, everything Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon