Chapter 11

14 1 0
                                    

'Saturday'

Summer


Umupo si Lucas sa harap ko at inabutan ako ng tinapay na may palaman na. Tinititigan ko lang ito at nagdadalawang isip pang kainin. Nang mapatingin ako sa kanya ay nginisian niya ako. "Cook that thing." utos niya sa akin.

Tatayo na sana ako para isalang yon sa toaster na itinuro sa akin ni Zheina kung paano gamitin noong isang araw pero mabilis niya akong pinigilan kaya muli akong napaupo. "Come on, ano bang gusto mo?" nagpipigil na inis na sabi ko.

Kinamot naman niya ang noo niya bago niya ulit agawin yung tinapay na hawak hawak ko. Hinawakan niya yon gamit nang kanan niyang kamay at nagulat ako ng biglang mag-apoy ang palad niya sa kaliwang kamay saka niya pinainitan ang tinapay na hawak niya.

Bigla na lang namatay ang apoy pagkatapos ay ibinalik niya ang tinapay sa kamay ko ng luto na. Ngumiti naman siya at pinagpagan ang dalawa niyang kamay. "Thanks for these," itinaas niya pa ang dalawa niyang palad saka naglakad papunta sa kwarto niya.

Damn it. He always leaves me clueless. Damn, it.

Sabado ngayon at walang pasok. Usually kapag ganito ay pumupunta kami ni Lucas sa clothing shop nila Zheina. Nag-t-trabaho ako don habang si Lucas naman ay nangungulit lang. Sa ngayon ay wala akong trabaho dahil sarado ang shop nila Zheina. Nabanggit niya rin kasi sa akin noong isang araw na may pupuntahan raw siya. Ang akala ko nga ay sasamahan siya ni Lucas pero andidito pa rin ang isang 'to at walang ibang ginawa kundi paglaruan sa kamay niya ang apoy na naggagawa niya. Parang manghang-mangha pa itong nakangiti at proud na proud sa ginagawa niya.

"Pyrokinesis," bulong niya saka gumawa ng fireball sa kaliwa niyang kamay. Hindi na ako nabibigla sa nakikita ko dahil kahapon niya pa ginagawa ito.

Nakaupo ako sa sofa habang nasa carpet naman siya sa sahig sa tapat ko kaya kitang kita ko ang ginagawa niya. Ang akala ko ay titigilan na niya ito ng iniyukom niya ang mga kamay niya pero nang muli niya itong buksan ay mas lumaki ang fireball sa kamay niya.

Nilingon niya ako at nang makita niyang nakatingin ako sa ginagawa niya ay ngumiti siya saka hinigit ang braso ko at inilagay ang fireball sa palad ko. Nanginginig ang kamay kong tinitignan lang ito. I'm mentally cursing Lucas Grey as of now.

"That's your power, Elay. Look how amazing it is." nakatitig lang ako sa bolang apoy na umiikot sa ibabaw ng kamay ko. Unti-unti kong iniyukom ang palad ko kaya bigla na lang itong namatay.

Nakahinga naman ako ng maluwag saka agad na nagpunta sa kusina para hugasan ang kamay ko. I am aware. Alam ko ng may ganito pala akong ability simula nong insedente sa canteen. Pero ang hindi ko alam ay kung magtatagal pa ito.

"Aren't you happy to have that thing?" napalingon naman ako kay Lucas na nakaupo sa ibabaw ng dining table. Pinunas ko naman ang kamay ko sa jogging pants na suot ko saka umupo sa tabi niya.

"I'm scared." yon na lang ang tanging naisagot ko. I can't imagine myself na sinasabi ang mga ganitong bagay maliban kay mom. I miss mom. I miss her so much. But i have, goals. I want to experience everything in life. I don't want to hide in my entire life. I want to fight for my own defense.

Ginulo naman ni Lucas ang buhok ko. "Don't be." hindi ko alam kung bakit palagi niyang napapagaan ang loob ko kapag nagiging ganto siya. I am so lucky dahil siya ang nakakita sa akin since that day. Kahit na madalas ay puro inis lang ang idinudulot niya sa akin. Tumango na lang ako bago ako umalis sa tabi niya at lumabas ng bahay.

the one who can see, everything Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon