'Commotion'
Summer
"Whatever, Lu. Sasama ako kay Summy!" maktol sa akin ni Ten saka hinila ang bag niya at nag-cling sa braso ko. Sinamaan lang siya ng tingin ni Lucas saka pa ito humawak sa sentido niya. Ten's stressing him huh. "Kapag may nangyaring masama sayo, alam mong pareho tayong malalagot kay Aly!"
Sinamaan siya ng tingin ni Ten saka ito bumitaw sa pagkakahawak sa braso ko. "Kay Summer hindi ka ba nag-aalalang may mangyaring masama sa kanya don kaya mo siya pinapayagan?" i was stunned dahil sa tanong ni Ten. Bakit niya ako dinadamay dito? Ano namang kinalaman ko sa away nila? Is being at school in night is dangerous?
Bumuntong hininga naman si Lucas at magsasalita pa sana pero bigla na lang bumukas ang pinto ni Lucas at andoon si Zheina na nakatayo. Ngumiti siya sa aming lahat saka naglakad papunta sa tabi ni Lucas. "What's wrong? Bakit ang tahimik nyo?" tanong niya dito.
"Where are you going?" tanong ni Lucas saka tinignan si Zheina na nakabihis mula ulo hanggang paa. Humawak naman si Zheina sa balikat ni Lucas saka niya ito binigyan ng matamis na ngiti. "Overnight sa school. Hindi ba nasabi ni Summer sayo?" tumingin pa ito sa akin pero tinignan ko lang siya at hindi sumagot dahil hindi naman ako ang tinatanong niya.
"Kasama ka?" parang naiinis na sabi ni Lucas kay Zheina. Tumango naman siya kay Lucas saka tinapik ang balikat nito. "What's wrong?" tanong pa ni Zheina pero walang pasabing pumasok sa kwarto si Lucas at pagbalik niya ay nakabihis na rin siya. "Sasama ako."
🌙
Sabay-sabay kaming bumaba sa kotse ni Lucas matapos naming marating ang school. Kumaway naman kaagad sa amin ni Zheina si Jadh at si Jessica naman ay nakatingin lang kila Lucas at Ten. Even the mysterious guy is here.
Lumapit na kami sa kanila at saka kami naglakad papasok sa school. Ibinigay lang sa amin nung guard yung susi dahil hindi raw sila mag-o-overnight ng bantay. Naicheck na naman daw nila ang lahat ng room at safe na lahat. Tanging ang hawak na susi na lang namin ay ang classroom namin at ang susi ng main gate ng school.
"You came?" mahinang tanong ko doon sa misteryoso naming kaklase. Saglit lang siyang tumigil sa paglalakad ng marinig niyang kinausap ko siya saka ulit siya naunang naglakad sa aming lahat.
Nagulat ako ng may biglang humila sa akin pabalik. It was Lucas. Masama ang tingin niya sa akin kaya naman hinila ko palayo ang braso ko sa kanya. Ano na naman bang problema ng isang to?
"Tina-try mo bang makipag-close sa lalaking yon?" sarkastikong sabi niya saka itinuro yung kaklase naming misteryoso. Ugh i badly want to know his name para hindi ako nahihirapang tawagin siya ng pagkahaba-haba. Mysterious Guy, Misteryosong lalaki, Misteryoso naming kaklase.
Hindi ko naman sinagot si Lucas at nauna na lang lumakad. Mukhang okay na ulit si Jadh at Jessica dahil nakahilig pa ang ulo ni Jessica kay Jadh habang naglalakad silang dalawa.
Pagkarating namin sa classroom ay agad ko ng pinake-alaman yung mga papel na inaayos namin. Sana ay matapos na namin to kaagad. Kanya-kanya naman silang naglapag ng bag saka kami nag-ayos ulit. Tumutulong na rin si Jessica at tumabi rin sa akin si Ten saka tumulong.
Lucas was just staring at us pero nang sinamaan siya ni Zheina nang tingin ay awtomatiko siyang umupo sa tabi ni Zheina at napipilitan na tumulong.
BINABASA MO ANG
the one who can see, everything
FanfictionOnce upon a time there was a girl live in a tower named, Summer Elay Carbahal. Things become boring so she jump on her window and start to run away from the life she used to live before. bts series 1 | the one who can see, everything | jeon jungkoo...