Chapter 12

15 2 0
                                    

'Knox'

Summer

Iniunat ko ang katawan ko saka na bumangon sa kamang hinihigaan ko. Nagulat ako dahil may benda sa ulo ko at dahil sa mga bandages na nasa braso at binti ko. May mga band aids din ako sa ibang parte ng katawan ko.

Inilibot ko ang paningin ko. Wala ako sa bahay ni Lucas. Sa gilid ng mata ko ay nakita kong nakahiga si Lucas sa mahabang sofa malapit sa kama ko kaya agad akong tumayo para i-check kung siya nga ba yon. Nakabaluktot ang katawan niya dahil hindi siya kasya sa sofa. Nakasuot pa siya ng puting t-shirt at pajamas na may print pang watermelon. Gay.


Hahawakan ko sana ang mukha niya dahil sa insektong dumapo dito pero bigla na lang bumukas ang pinto at sunod-sunod na pumasok si Zheina, Ten, Jadh and even Knox was here.


"Summy? Anong ginagawa mo kay Lucas?" nag-init ang pisngi ko dahil sa tanong ni Ten. Agad naman akong bumalik sa kama ko para hindi nila yon mapansin. Bakit ba naman kasi parang may paghihinala ang tono ng pagtatanong niya.


"May insekto kasi sa mukha niya." sagot ko kay Ten na tinawanan lang ni Zheina at Jadh. Ten remain confused at pinag-iisipan kung maniniwala ba siya o hindi sa sinabi ko. Nanatili namang tahimik si Knox sa isang tabi. 


"You okay now, summer?" tanong ni Jadh saka lumapit para i-check ako.


Sumunod naman agad sa kanya si Zheina na may dala-dalang pagkain. "Of course not. How can she be fine after all what happened." sumbat niya kay Jadh bago niya ako abutan ng isang basong tubig at tinapay.


"Chill, sunget eh." tinawanan pa ni Jadh si Zheina pero inirapan lang siya nito. Hindi ko kahit kailan man maintindihan ang dalawang to. Minsan ay sobrang nagkakasundo. Minsan naman ay palaging nag-sasagutan. Are they even enemies or friends?


Lumapit na rin sa amin si Ten saka unupo sa gilid ng kama ko. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. Ganoon rin ang reaksyon nila Zheina at Jadh. Ten clings on me always pero nakakagulat pa rin minsan sa akin dahil hindi naman ako sanay na may ibang tao na ganito sa akin maliban kay mom.


"Hinding hindi na ako aalis sa tabi mo!" parang batang maktol nito matapos niyang bumitaw sa pagkakayakap niya sa akin. "Isang araw lang akong hindi nagpunta sa inyo ay ganito na kaagad ang nangyari! Kasalanan to ni Lu!" bigla na lang niyang ibinaling ang tingin niya kay Lucas na sakto naman ay kakagising lang at nag-uunat pa.


Napansin nitong nakatingin kaming lahat sa kanya lalo na si Ten na matalim ang tingin kaya naman napatayo siya sa hinihigaan niya at nagtatakang tumingin sa aming lahat. "What?" walang kamuang-muang na tanong nito.


"That's not his fault, Ten." paliwanag ko kay Ten na nakasimangot pa rin saka ko ginulo ang buhok niya. I am so touched by how he reacts on my situation. Para na akong may kapatid dahil sa kanya.


"Hala, hala. Mamaya na kayo mag-away. Hayaan nyo munang kumain si Summer." suhestiyon ni Zheina. Napailing na lang ako dahil kanina rin naman ay kabangayan niya si Jadh.

the one who can see, everything Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon