Chapter 10

18 1 0
                                    

'What can i do?'

Summer

Buwan na ang lumipas at masasabi kong maraming nagbago sa akin. I am starting to feel awareness in everything. Mabalis na rin akong matuto ng mga bagay-bagay. Hindi na ako ignorante. I always do some research to know some things. Thanks to Zheina, kinuha niya ako bilang trabahador sa shop niya. Guess what, ako yung nag-c-cashier don. Nag-sisimula na rin akong mag-ipon para sa sarili ko.

Yung pangalawa naming misyon ay hindi na nasundan sa hindi ko malamang dahilan. Sa susunod na buwan naman ay magkakaroon kami ng assessment sa bawat ability namin kaya sinabihan kaming practice-in na ang bawat ito.

Pinag-iisipan ko kung paano ko gagamitin ang sa akin. Nangako ako kila Lucas at Ten na sila lang ang makakaalam nito. Sinabi ko naman sa mga kaklase kocna fortune teller lang ako pero habang tumatagal ay hindi ko mapigilang palabasin yung tunay kong kakayahan. I am not good at acting, i guess. But still, they must not know about this.

Hindi ko talaga alam pero pinipilit kong dumiskubre ng iba pang abilidad na kaya ko. Para may ma-ipresenta ako imbis na yung pagbabasa ko ng isip. Yes, it is possible dahil ganoon si Jadh. He has laser eyes and super strenght. Pero rare type lang ang ganong bagay.

Kaso, mukhang iisang abilidad lang talaga ang meron ako. And that is, reading minds. Sa sobrang pag-iisip ko ay nagulo ko na lamang ang buhok ko saka napatayo sa upuan ko. "Zheina, bili lang akong tubig." tinanguan niya lang ako saka ibinaling ang tingin niya sa nagkalat na ballpen na sana ay matatamaan ng bola pero bigla na lang bumalik ang bola sa paanan ni Jadh. Zheina used her power force field to protect the ballpen.

Napatawa na lang si Jadh saka muling pinulot ang bola at ipinaikot sa hinliliit niyang daliri. Tinapik ko naman ito kaya muli itong nalaglag. Papagalitan niya sana ako pero tumakbo kaagad ako palayo.

Jadh's power was quite good after all. Laser eyes and super strenght. Minsan nga ay nakasunog pa siya ng basurahan noong hindi pa niya masyadong nagagamit ng ayos ang ability niyang yon. Lately lang naman daw niya kasi yong natuklasan. Samantala sanay na sanay naman siyang gamitin ang lakas niya.

Zheina's ability was force field. Commonly known as force shield, defense shield, energy shield or whatever shield. It was an invisible barrier that is made of energy, particles or plasma i guess? To protect person, objects or area from attacks or whatsoever that needs to protect.

Knox ability is, unknown. Wala naman siyang pina-practice. He's always just sitting in his chair, yun lang yon. I never had a chance to talk to him dahil sa tuwing kakausapin ko siya ay hindi ko siya mahagilap. Kapag naman andyan siya ay nakakalimot ako na kakausapin ko dapat siya. And the thing is, i also don't know why i will talk to him.

Iniabot ko ang bayad ko sa binili kong tubig saka ko kaagad ito ininom. I feel so thirsty. Hindi na dapat ipagtaka yon dahil sobrang init ng panahon.

Itatapon ko na sana ang boteng hawak hawak ko pero bigla na lang itong nagliyab dahilan para bigla ko itong maihagis sa field. Hindi pa rin ito namamatay at patuloy na nagliliyab dahil sa init ng panahon. Pinagpapawisan ako ng malamig at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Masyado akong nagulat sa pagliyab nito sa kamay ko kaya sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Nagulat ako dahil bigla na lang may tumakbong lalaki papunta malapot sa nasusunog na bote saka ito walang kahirap-hirap na binuhusan ng tubig mula rin sa bote niya saka ito naglakad palayo.

the one who can see, everything Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon