Chapter 14

14 1 0
                                    

'Set of friends?"

Summer

"I am Ten, Nice to meet you, again."  iaabot pa sana ni Ten ang kamay niya kay Knox pero tinanguan lang siya nito kaagad.


Sabi nila having some set of friends can make your life more exciting. Of course, i also believe that no man is an island. Palagi ko yong nababasa sa mga libro ko. Speaking of my books, medyo nami-miss ko na sila dahil lahat sila ay nasa tore. Inaalagaan kaya sila ni mom? Should i try to visit her? What if hindi niya na ako ulit ako pakawalan?


Zheina was trying to break the awkwardness between us.  Kasama kasi namin ngayon si Knox. Ang sabi kasi ni Ms. Rhina kung totoo raw ba kaming mag-kaibigan ni Knox bakit hindi man lang kami nagsasabay sa lunch. That's why, sinama ko si Knox ditong kumain kasama sila Lucas. Pero mukhang hindi magandang ideya yon. Mabuti na nga lang si Zheina, Jadh at Ten ay nagtatawanan kaya medyo nababawasan ang awkward atmosphere.

Ramdam kong hindi maganda ang mood ni Lucas dahil sa tuwing papasadahan niya ng tingin si Knox ay masama ito. Nakasimangot rin siya na parang ayaw niyang i-welcome si Knox.


Napailing na lang ako at hinawakan ang braso ni Knox. Napatingin naman silang lahat sa akin. Ngumiti lang ako lalo na kay Lucas. Kung ayaw niyang kasama si Knox wag naman sana niyang ipahalata nang sobra. Hindi naman siya inaano nang tao. "Kain na lang kami sa iba." paalam ko.


Nagulat pa si Knox pero tumayo rin siya kaagad. Siguro, sobrang naiilang na siya kay Lucas. Tumayo naman si Ten at hinawakan ang braso ko. "Summy naman," nginitian ko lang si Ten at naglakad na palayo habang hila hila ko si Knox.

Nilingon ko naman sila na nakatingin lang sa amin. Ngumiti naman ako at nag-thumbs up. "Okay lang." i mouthed.


Napadpad na lang kami sa kainan sa tapat ng school. Humanap agad ako ng seat para sa upuan namin ni Knox. May lumapit na waiter sa amin at pumili na lang ako ng kung ano-ano. Mabuti na lang may trabaho ako sa shop nila Zheina kaya may pera ako. Naaalala ko pa nung pinangarap kong maging waiter. Pinagtawanan lang ako ni Lucas dahil sa lahat ba naman daw ng papangarapin ko ay waiter pa. What's wrong with being waiter?


"Summer, you don't have to do it." ngumiti lang ako at tinitigan ang abong mga mata ni Knox. Wala na naman siyang iniisip. Minsan naiisip ko na another technique yon para hindi mabasa ng mga mind readers ang iniisip niya.


"I'm so sorry, Knox." tanging naisagot ko. Lucas Grey was such a spoiled kid. Ang akala ko ay hindi na naman magsasalita si Knox pero bigla na lang siyang ngumiti. Damn, how can he be that attractive!? "Its okay, i'm starting to like your idea." napailing na lang ako sa sinabi niya saka namin inantay ang pagkain na in-order namin.


The whole atmosphere was so smooth habang kumakain kami. Pakonti-konti kaming nagk-kwentuhan about  random things. Etong araw na yata ang may pinaka-maraming salita ang naimik ni Knox. Ang akala ko ay magiging maayos na lahat pero bigla na lang akong nakarinig nang pagsabog at iritan ng mga tao.

the one who can see, everything Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon