Patricia's
"Hyunbin?" gulat na gulat akong nakatingin sa kanya.
Ano pa bang gustong mangyari ng lalaking 'to? Iniwan niya na nga ako diba?
"We have to talk." alam kong lahat na ng tao'y nakatingin sa amin ngayon kaya mas lalo kong gustong kumawala sa kanya.
"Let's talk, Tricia." argh! He don't have to call me by that name.
"We have nothing to talk about." at tsaka inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin.
Aalis na sana ako nang hinila niya ulit ako but this time more powerful.
Magpupumiglas na sana ako nang bigla naman siyang hawakan ni Minhyun.
"Brad! Wag ka namang ganyan. Nasasaktan si Patricia." sabi niya.
"Brad. Wag mo ring masamain pero usapan namin ito ng ex ko." does he really have to say that?
"Ikaw na mismo ang nagsabi diba? Ex mo na lang siya. Wala ka nang dapat pakialam sa kanya."
"Mag-uusap lang naman kami." para saan pa?
"Edi dito na lang kayo mag-usap. Don't take her away from me. Baka kung ano pang gawin mo sa kanya." sabi niya at tsaka inagaw ang kamay ko. Anong sabi niya?
"Ano ka ba niya ha? Tricia ito ba bago mo? Di ka man lang naghanap ng malalayo man lang sa level ko?" nasampal ko naman si Hyunbin.
Anong tingin niya sa akin? Tulad niya?
"Pwede ba? Huwag mo akong itutulad sa'yo? Buti nga siya concern sa akin kumpara sa'yo naturingang bestfriends dapat tayo diba?!" I thought he's going to get mad but instead he smirked.
"Oh? Is that all the reason? O baka naman kaya kayo naging close nang ganyan dahil siya ang naka-una sa'yo?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at unti-unti ring tumulo ang mga luha ko.
Kailan ba siya titigil sa pananakit? Ano bang maling nagawa ko sa kanya at ginaganto niya ako?
"Akala ko pa naman iba ka sa mga babaeng nakakasama ko gabi-gabi. Si Minhyun hyung lang pala ang makakakuha sa'yo eh." nanindig ang balahibo ko sa mga naririnig ko.
"May tinatago ka rin palang kulo sa loob mo." he again smirked and I am starting to hear whispers from all the people who's watching.
"How many times have you done it? Masarap ba? Masaya ba? Ma--" naputol ang sasabihin niya nang sinuntok siya ni Minhyun.
"Sumusobra ka na!" nagkagulo na ang lahat at wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak.
Nakaramdam ako bigla ng hilo at sumakit din nang bahagya ang tiyan ko kaya nasapo ko yun.
"Paaat!!" ang boses ni Ciel ang huli kong narinig bago ako tuluyang mawalan ng malay.
° ° ° ° °
Nagising ako na medyo nakakaramdam ng hilo. Hindi ko kwarto ito. But I will never forget this place. Nagising na rin ako dito nang hindi ko namamalayan kung paano.
Condo ni Hwang.
"Gising ka na pala?" ngiting bungad niya sa akin. Nagcecellphone kasi siya kanina kaya di niya agad ako napansin.
What am I doing here? Tiningnan ko lang siya at tumayo. I need to leave.
"Oh? Don't tell me, aalis ka? Hindi pwede especially now that I know that you're carrying my child."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi pwede. Ano nang gagawin ko?