Narinig ko ang mga bulong-bulungan ng mga estudyante. Narinig kong pinag-uusapan nila si Patricia at nasa Clinic na raw ito.
Tumakbo naman agad ako papunta sa Clinic at doon ko nga siyang nakita habang nakikipagtawanan. Mukha siyang masaya
Kasama si Minho.
Aalis na sana ako nang bigla kong marinig ang pagtawag niya sa akin.
"Hwang?"
Patricia's
"Hwang?" tawag ko sa kanya. Bakit parang aalis pa siya? Ano yun? Walang paki ganun?
Lumingon naman siya at parang tamad na tamad na pumunta sa direksyon kung nasaan kami ni Minho. Siya nagdala sa akin dito sa clinic. Di ba siya nag-aalala? Kahit man lang sa baby wag na sa akin.
"Wae?" walang gana niyang tanong sa akin.
"A-aalis ka na?" gusto ko siyang kausapin kaso wala naman akong masabi. Gusto ko lang magtanong. Nagiguilty pa rin kasi ako sa kanina tapos nangyari pa 'to.
"Hindi sana kaso mukhang okay ka naman na eh." he said at tsaka nilipat ang tingin niya kay Minho.
Naiinis ako. Wala nga talagang pakialam 'to sa akin.
"Ah. Okay. Sige na. Mukhang nakakaistorbo na ako sa'yo. Nandito naman si Minho, sasamahan niya na muna ako." buti na lang nandito 'tong bestfriend ko. Iniwas naman niya sa akin ang tingin niya.
Dito na pala ulit nag-aaral si Minho at kaklase ko siya kaya okay lang kung sanahan niya muna ako. Buti nalang talaga dumating siya kanina kasi kung hindi, nako! Di ko na alam kung buhay pa ako ngayon. Nakwento ko na rin sa kanya ang sitwasyon ko at tulad ng inaasahan, nagulat siya at parang nalungkot. He promised me that he will be there for me no matter what. Alam niya ring kay Hwang ako tumitira ngayon. He even insisted na sa kanila na lang ako but I said na I'm perfectly fine with Hwang. Siguro?
Speaking of that guy, nakita kong umigting ang panga niya at bumuntong-hininga at tumingin ulit saakin.
Bumaling siya kay Minho.
"Pwede ka nang umalis Brad. Ako nang bahala kay Patricia at sa BABY namin. Pasensiya na sa abala." ramdam ko ang pagiging sarcastic niya.
Yung totoo? Sino bang naglilihi? Siya ata eh.
Nagsukatan muna sila ng tingin at unang bumitaw si Minho sabay buntong-hininga.
"Sha-sha, alis na ako ah. Ingatan mo lagi ang sarili mo pati si baby."
He kissed my forehead before leaving at narinig ko naman ang mga bulong ni Hwang na puro "Tss" lang naman ang sinasabi.
"Patingin nga." he said as he gently grab my right arm and examined it. Di ko namang mapigilang mamula.
"Next time, mag-ingat ka na Mommy ah? Lagot sa akin yung mga gumawa nito sa'yo. You should've called me. Edi ako sana ang tumulong sa'yo hindi yung Minho na yun." sabi niya sabay irap. Bigla namang nag-alburuto ang puso ko.
Bading ata Daddy mo, Baby.
Patuloy lang siya sa paglagay ng ointment sa mga sugat ko at nabalot kami ng katahimikan. Iniba ko naman ang tingin ko kasi baka mahalata niyang tinititigan ko siya.
"Do you like him?" nagulat ako sa tanong niya. He's so straightforward. I was caught off guard. Abala pa rin siya sa ginagawa niyang paggamot sa akin.
"Si Minho? Of course I do like him platonically. Bestfriend ko siya since we were children." bakit parang jowa ako kung mag-explain?
"Kaibigan lang? As in? Bawal magsinungaling, Mommy. Maririnig ka ni Baby." he said now looking at me at linapit niya ang mukha niya kaya nagulantang ako.
"O-Oo naman." his face lit up and smiled like a kid.
"Buti naman." dinig kong bulong niya.
"Ha?" kunwaring di ko narinig. Ano bang nangyayari dito?
"Wala Mommy. Tara na. Baka magutom na si baby. Di magandang magskip ka ng meal." masigla niyang sabi at tsaka hinawakan ang kamay ko sabay hila. Di ko mapigilang mamula sa pagtawag niya sa akin ng 'Mommy'.
Ano ba Hwang Minhyun? Aigoo.
Nang makarating kami sa Canteen, lunch break na pala ng mga dongsaeng. Nakita namin sa isang table sina Daehwi, Jihoon, Woojin, Jinyoung, at Kuanlin kasama sina Ciel, Yuri, Nathara at Klarisse.
(A/N: kung nabasa niyo na yung Visitor, alam niyo na roles nila. Hehehe.)
Tumabi naman kami sa kanila at saktong kaharap ko si Daehwi. Ang kyut niya talagaaa. Gusto ko siyang kurutin kaso kawawa naman. I pouted with that thought.
"Bessy! Nag-alala ako sa'yo. I skipped class dahil sa'yo. Matouch ka!"
Talaga lang ha, Ciel Han. If I know dahil kay Jihoon yun. Psh.
"Sige lang, Ciel Yui Han. Kunwari naniniwala ako." sabi ko sabay irap sa kanya. Bumungisngis lang siya at bumaling na sa pakikipag-usap dun sa lalaki niya. -.-
Tumitig naman ako kay Daehwi. Ang cute niya talaga. Omoo.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Titig na titig ako kay Daehwi nang biglang may pumitik sa noo ko. Aish!
Sino pa nga ba? Si Hwang. Naiirita ako sa mukha nito. Masyadong.. nvm.
"Ano ba?!" daing ko habang hinihimas yung pinitik niya.
"Kanina pa kasi kita kinakausap, sa iba ka nakatingin." ayan na naman po ang pagsusungit ni Mr. Hwang.
"Ehem LQ ehem!" pang-aasar naman ni Ciel. Sasapakin ko 'to. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Kumain ka na, Mommy." sabi ni Hwang at kumain na rin siya.
Kita ko naman ang naging reaksiyon ng mga kasama namin kaya bahagya akong nahiya.
"Aguy Mommy daw."- Jihoon.
"Paano na si Jisung-mom natin?"- Kuanlin.
"Wala na. Finish na." -Woojin.
"Ay iba! Mommy naman pala."- si Nathara na ang nang-asar.
Tumawa naman yung iba pa. Mananapak na ako. Tumingin naman ako kay Hwang at nakitang namumula ang tenga niya at pinipilit na magconcentrate sa pagkain.
Ayan magdusa ka. Ginusto mo yang kalokohang yan. Psh.
Kumain na ako at hinayaan na lang sila.
Sabay ulit kami ni Hwang na umuwi at pinagsabihan niya na yung fangirls niya at pinahuli yung mga nang-away sa amin ni Ciel.
Nang makarating kami, inalalayan niya akong bumaba sa kotse at hinawakan ang kamay ko habang papunta na sa unit niya.
Namimihasa ata 'to ah. Pero gusto mo naman, Pat? Sus.
Nagkatinginan kaming dalawa nang pihitan niya yung pinto at bukas iyon. Paano nangyari yun?! Nilock ko naman yun kanina eh.
Una siyang pumasok at pinaatras ako sa likuran niya. Kumuha siya ng kahit anong pamalo para daw ready siya. Hawak niya pa rin ang kamay ko. Masyadong wring timing kung kikiligin ako sa mga ganitong sitwasyon but I can't help it.
Nang makapasok kami, agad akong nakaamoy ng parang may niluluto. Ang bango.
Bumitaw si Hwang sa akin at dumiretso sa kusina. Nagulat na lang ako nang may marinig akong sigaw galing doon.